08

2.4K 155 15
                                    

ALISEA'S POV

"Isang babae ang natagpuan sa isang bahay kung saan siya lang ang nakatira ay pinaslang sa kanyang tahanan gamit ang baseball bat" sabi sa balita ang 25 oras

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil nakabukas ang flat screen tv dito kaya lahat ang nagreact

"Hala! Hindi kaya si ysa yan?"

"Ay oo nga parang siya eh pero di pa naman natin nakikita katawan niya eh ayaw naman sumabay sa pagligo sa atin"

"Impossibleng siya yan kaya nga di siya nakapasok kasi nga may pupuntahan daw siya kaya di niya alam kung kelan siya makakuwi"

"Kawawa naman yung biktima"

"Grabi ginawa sa kanya habang naliligo pinukpok iba na talaga panahon ngayon"

Chismisan ng karamihan samantala kami ni krissa deadma pero hindi ibig sabihin nun di na kami maawa doon sa biktima

Pagtapos ng break nagsipuntahan ang mga pulis dito kasama ang ama ni ysa

"Magandang tanghali sa inyo mga mag-aaral ako si Sagsag Gasabel isang taga lutas ng kaso at nais kong tanungin kung anong ginawa ni binibining ysa noong siya ang pumasok rito bago mangyari ang krimen"

"Krimen?!!!" Sabay sabay nilang sabi

"Oo nabalitaan niyo bang namayapa si ysa sapagkat mayroong pumatay sa kanya sa pamamagitan ng baseball bat"

"Hala siya pala yung kanina sa balita!"

"Omg"

"I can't take this anymore!"

Usap-usapan ng lahat ang iba naman ay nagsipag-iyakan , natuwa , nagulat , at natakot

"Ikinalulungkot ko ang balitang iyon, sinong gustong tumistigo noong huli niyang pagpasok rito?"

"Ako ho!" Boluntaryo ng isa sa schoolmate

"Ganito po kasi ang nangyari sir nakikipagharutan nun sila alisea pati ang kaibigan niya sa isang estudyante na malaki ang baba tapos yun babatuhin sana nila ng whip cream pero ang natamaan ay si ysa at ito namang si ysa ay nagalit kaya naman pinokpok niya ng baseball bat si alisea pati na rin ang kaibigan nito at hindi siya nakuntento pinagsisipa pa nila"

"Teka sabi mo baseball bat ang ginamit niya pang hampas sa ulo ni alisea edi ibig sabihin si alisea ang may kasalanan dahil ang pagpatay sa kanya ay kagaya lang kay alisea at ang pinagkaibahan lang mas grabi ang sinapit ni ysa kaya naman napagtanto kong siya ang pumatay dahil gumanti itong si alisea"

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko sa ibinibintang nila kaya naman nagsalita na ako

"Sir wala kayong proweba para sabihin yan! Bakit porket pa parehas lang ako na kaagad ang may kasalanan? Sabi sa balita mukang nangyari ang krimen noong hapon at hapon po nandito pa po ako nun dahil may inasikaso pa ako para sa project tapos ako pa po ang mapagbibintangan? Sa totoong lang ako nga muntik ko ng ikamatay ang ginawa niya pero wala man lang pumansin! Ano kailangan pa ba mamatay ako para mapansin ang ginawa sa akin?"

"Patawad sa pag akusa pero isa lamang iyong teorya kaya wag mo sanang mamasamain"

"Basta ho ako nagapaliwanag lang dahil inosente po ako"

"Eh baka kasi nagmamaang-maangan lang yan baka nung nandito ka nga pero nag-utos ka tapos binayaran mo" sabay ng ama ni ysa

"Pwede po ba sir tigilan niyo ako!. Ako lang ho ang mag-isa sa bahay ni wala nga akong sapat na pera pampapatay tapos ipapapatay ko siya edi sayang lang ang pera kung gagawin ko yun at isa iyong kasalanan kaya naman bakit ko gagawin iyon?" Hindi naman sila nakasagot

The Psycho Gay's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon