ALISEA'S POV
Lumipas ang isang buwan, onti-onti na akong nakapagmove-on sa pagkawala ni papa pero ang pumatay sa kanya ay kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap kung sino ang pumatay, halos hinalulog namin ang lahat ng kamag-anak namin ngunit ni isa sa kanila ay hindi alam nangyari, at nagulat pa nga nung nalaman at alam kong wala rin yun sa kamag-anak namin, maaring sindya lang yung I hate you tito na word.
Hindi pwedeng di namin mahanap ang hustisya, basta yun na lang ang tanging hiling ko kay papa at maging masaya sana siya kung saan man ang kinalalagyan niya.
Lumipas ang isang buwan ay nandito si Marcellus sa tabi ko at hindi ako iniwan, pati na rin ang aso ko at pamilya ko, sila ang nakakapagpatanggap ng stress ko at depression.
Mas narealise ko rin na mas minahal ko si Marcellus at alam kong ganun rin siya sa akin.
Tinupad naman ni wizie ang sinabi niya na putulin ang koneksyon sa akin, at masaya akong nakapag-move-on siya sa akin para sa ikakabuti niya at masaya na ako doon, sana nga mahanap niya na ang para sa kanya doon sa ibang bansa.
"Hey baby may pupuntahan ako bukas dahil may pag-uusapan kami tungkol sa company namin"
"Ano ka ba di mo na kailangan magpaalam noh"
"Kahit na I just want to tell you lang kasi nga para hindi ka mag-alala sa akin at isa pa para alam mo kung nasaan ako and hindi rin fair sayo yung tipong ikaw alam ko bawat galawan mo samantalang ako kahit ni lugar na pupuntahan ko hindi ko sasabihin kaya sinasabi ko"
"Ok sige sabi mo eh pero mabuti na rin"
Kinabukasan...
Pinaghandaan ko ng agahan si Marcellus dahil nga daw may pupuntahan siya ngayon kaya syempre ginawa kong espesyal ang niluto ko sa kanya na may halong pagmamahal.
"Wow naman ang sarap nito! Pero mas masarap pa rin ako magluto kaysa sa ating dalawa noh" sabay irap niya
"Ito talaga oh! Ang attitude"
"Syempre! Masarap nga tong luto mo eh mas masarap naman ako"
"Oo na lang"
"Anong oo na lang? Kaya pala sabi mo isa pang round"
"Epal mo talaga"
"Hay naku hanggang ngayon nagdedeny ka pa rin kairita ka ghorl kiss kita diyan eh"
"Oo lagi mo namang ginagawa eh di ka nagsasawa, bilisan mo na diyan at baka malate ka pa"
"Bat naman ako magsasawa sayo eh lagi naman kitang hanap. At isa pa ano ngayon kung malate ako, baka nakakalimutan mo ako ang boss dun"
"Edi ikaw na"
"Aba talaga" pagtapos niya kumain ay agad na siyang nagdrive papunta sa company nila, samantalang ako ay pumasok na para mag-aral.
Pagtapos ng klase ko ay balak kong dumeretso sa company nila Marcellus para isorpresa siya at tutal hapon na, malapit na mag-gabi.
"Hi manong pwede magtanong? Saan bang floor si Marcellus?"
"Ah kayo po ba yung girlfriend niya? Wala po kasi siya dito eh kasama niya yung ka business meeting niya sa hotel"
"Huh? Hotel? Bakit naman nandoon sila sa hote? At isa pa dami-daming pwedeng puntahan hotel pa dapat umuwi na siya ngayon sa bahay eh"
"Kasi ma'am bagong gawa lang yun nung ka-business meeting ni sir kumbaga ipapatry lang sa kanya para kung sakaling nagustuhan mag-stay doon ni sir, edi yun na yung sasabihan niyang magandang hotel at para na rin sa rating kung ok na ok ba"
BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Misteri / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university, but suddenly a gay named Riggs Marcellus Dallas a Psycho, obsessive, killer, hacker, and stalker who is really madly in love to Alisea and...