ALISEA'S POV
Aba grabe naman ang itong taong ito! Napakabastos at siraulo! Bakit ba may nantritrip sa akin ng ganito?
Nang makuha ko na ang bulaklak at ang sulat, agad ko ng nilock ang locker ko at tumingin-tingin sa gilid-gilid baka, kasi ma-issue pa ako dito.
"Yun oh, si Alisea may manliligaw," ngiting sabi sa akin ng kaklase kong lalaki na mapang-asar.
"Di ko nga alam kung manliligaw ba ito o pinagtritripan ako eh. pero kung pagtritripan lang ako, sana 'di na maulit dahil nakakabanas." Inis kong sabi.
"Sana nga hindi ka pinagtritripan, wala ka pa namang jowa since birth."
"Sama nito doon ka na nga!" Sabay tadyak ko sa kanya pero nakailag siya.
Pauwi na sana ako pero nakita ko si Krissa na naka-upo sa ilalim ng puno. Balak ko pa naman ikuwento ang nangyari kanina.
"Uy krissa bat di ka pa umuuwi?" Sabay lapit ko sa kanya.
"Eh hinihintay ko si Dreian yung classmate ko dati, kupal kasi yun nangutang sakin ng isangdaan at hindi naman ako papayag na hindi niya bayaran, kundi isusumbong ko siya sa daddy enteng niya."
"Edi mabuti garapal pa naman yan, siya nga pala may ikukuwento ako sayo," sabay upo ko rin sa ilalim ng puno at tinabihan siya.
"Ay oo nakalimutan ko, ano nga pala na nangyari doon sa art room?"
"Teka mamaya na yun! Ito munang ikukuwento ko! So ayun na nga kanina paglabas ko ng art room at pumunta na ako sa locker ko, pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang isang bulaklak at letter at ang bastos ng nakasulat, ang sabi sa sulat ay wake up with determination go to my bed with satisfaction."
"Aba binigyan ka talaga ng ganyang sulat? Bale pangalawang beses mo na yan ah, bakit kaya? At kung niloloko ka lang sino naman kaya?" Isip-isip niya.
"Wala rin akong idea kung sino."
"Huwag mo na lang kaya alamin kung sino yan? At ang gawin mo na lang ay manahimik at itago mo na lang, sayang kasi."
"Eh pano kung may nakatago pala diyan? I mean baka may bomba tapos yung chocolate nung isang araw baka mamaya may lason?"
"Edi sana patay ka na at isa pa kung may bomba dapat may narinig ka ng timer."
"Sabagay"
"Oh ano na nga pala kwento mo tungkol doon sa may art room?"
"Edi ayun ang galing mag paint ni Marcellus, tapos pa nga nung pinapaint niya ako, sinusukat ako gamit ang paint brush at ang ayoko yung pinapaalis ako dahil ayaw sa akin."
"Hayaan mo na bes, alam mo namang ilap yun sa mga babae dahil alam mo namang bet ang boys, pero kahit ganun I'm a no.1 fangirl noh!"
"Oo na! Pero kahit patayin ka?"
"Aba ibang usapan naman yun noh!"
"Oh siya uwi muna ako ng papahinga lang ako"
"Oh sige ah basta yung sinabi ko sayo na mag-iingat ka sa bahay mo ah!" Paalala niya.

BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Tajemnica / ThrillerThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...