23

1.4K 90 13
                                    

KRISSA'S POV

Takteng yan! Sila na ni Marcellus, hindi ko akalain na magagawa ni alisea ang mga sinabi ko tulad na lang ng pagpapasok sa buhay niya si marcellus.

Oo sinabi ko yun hindi pampayo kundi dahil alam ko na hindi siya makikinig sa akin pero hindi ko naman akalaing gagawin pala iyong sinabi ko and I'm so stupid na naisipan ko pang ipayo yun.

Ngayon nakuha na niya si marcellus!

Hindi ba halata na gusto ko si marcellus? from the first place siya naman na talaga mukang bibig ko kahit noon pa at hindi ako makakapayag na maging masaya sila ni alisea!, gagawin ko ang lahat para lang hindi maging sila sa huli.

Tignan lang natin alisea kung maabutan ka pa ni marcellus  ng buhay, sisiguraduhin kong malulunod ka sa sarili mong dugo.

"Hi krissa, bakit parang puno ka ng hinanakit at parang gusto mong pumatay?" Tanong sa akin ng bakla kong ka-schoolmate na alam kong patay na patay din kay marcellus

"Hay naku sinabi mo pa, kating-kati na nga ako pumatay"

"Hay naku ah baka mamaya ako na patahin mo?"

"Bakit ko naman gagawin yun? Eh isa lang naman ang puntirya ko"

"Ay ganun ba? Sino ba yan ha?" Intriga niyang tanong

"Sino bang dapat kong patayin? Yun lang namang pinakilala ni marcellus na mang-aagaw from the start" sabay irap ko

"Omg! Si alisea?!!! Hindi ako makapaniwala akala ko ba bestfriends kayo nun forever so totoo nga talaga na ahas ang mga kaibigan" sabay tawa niya

"Nang-aasar ka ba? Baka gusto mong ikaw ang isunod ko" pananakot ko sa kanya

"Ito naman oh! Sa katunayan nga niya may offer ako sayo!"
Sabay ngisi niya

"At ano naman yan? Siguraduhin mong maganda yan at baka gusto mong isunod talaga kita dahil nga pinaplano ko pa ang pagpatay"

"Naku tamang-tama lang talaga ang offer ko sayo!! Kasi ghorl kaming galit kay alisea ay nagka-isa para patahin siya, hindi ko naman akalain na plano mo din pala yun so ayun na nga sumama ka na din para hindi lang ikaw ang mag-eenjoy noh tsaka kapag namatay na si Alisea edi paghati-hatian natin si marcellus, diba?."

"Good idea, I like that"

"Sabi ko sayo eh pero bigla ko naisip, pano kung huwag mo na lang patahin si alisea kung ok lang naman sayo na kahati mo kami?"

"Excuse me hindi naman tayo mahal ni marcellus at si alisea lang ang mahal nun at panggulo lang siya kaya dapat siyang mawala"

"Ay may punto ka rin naman"

"So halika na at puntahan na natin sila"

Sabay naming pinuntahan ang mga babae at mga baklang desididong patahin si alisea

Nasitinginan silang lahat sa akin sabay nagtinginan sa isa't-isa na may halong pagtataka.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" Tanong ni cathalina na alam kong nagpa-umpisa ng plano na ito at hindi ko na kilala kung sino pa ang ibang mga kasama niya, wala na akong pakielam kung sino-sino sila basta ang gusto ko ay mapatay na si alisea.

"Master Cathalina, kaya siya nandito dahil alam niyang ang plano, at nandito siya upang maki-isa sa atin laban kay alisea"

"Totoo ba iyon?" Tanong niya sabay tutok sa akin ng kutsilyo

"Oo sasama ako sa pagpatay kay alisea" desidido kong sabi, nagsitawanan naman silang lahat

"Hindi namin alam na may tinatago ka pa lang baho, sabi na nga ba't kahit papaano ay may tinatago kang hinanakit kay alisea, eh sino bang hindi? Halos siguro naman lahat ng estudyante dito ay galit sa kanya eh pabida-bida pa naman siya na mang-aagaw, na mukang mahirap she's not even beautiful kundi tayo lang diba girls." sabay-sabay namang nagsitango ang alipores niya

The Psycho Gay's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon