ALISEA'S POV
"Hoy besh! Ba't muka kang natatae?" Sabi sa akin ni Krissa, nandito kasi kami ngayon sa school.
"Pinagsasabi mo?" Inis kong sabi sa kanya.
"Pano naman kasi, yung itsura mo oh para kang balisa."
"Panong hindi, eh nung pauwi na ako parang may sumusunod sa akin, naramdaman ko nga rin yun nung palapit na sa bahay," kumakabog ang dibdib ko habang sinasabi iyon.
"Hala sino naman kaya ang susunod sayo? Impossibleng si Marcellus, eh lalaki naman ang gusto nung psycho na yun."
"Oo nga, tsaka bakit sa lahat ng tao yun ang naisip mo?" Taka kong sabi sa kanya, pero sabagay puro Marcellus bukang bibig niya. Hays babaeng toh talaga.
"Wala lang pero ingat ka na lang besh ah, gusto mo samahan kita sa bahay niyo kahit sandali?"
"Wag na, kaya ko ang sarili ko tsaka ayokong madamay ka kung sakaling patayin ako ng kung sino man yun," binatukan naman niya ako dahil sa sinabi ko.
"Huy baliw ka! Wag kang ganyan, ikaw pa naman ang ka-iisang bestfriend ko, tapos ganyan sasabihin mo! Wag ka naman ganyan ayokong mamatay ka!"
"Pero, lahat ng tao namamatay!"
"Eh! Oo alam ko yun pero hindi sa ganung paraan na papatayin ka! Ok ng mamatay ako basta kasama ka, kaysa buhay nga ako pero parang patay dahil wala na ang kaibigan kong halos ilang taon ko ng kaibigan!"
"Oo alam ko yun, kaya ko nga ang sarili ko kulit nito! Kaysa naman umiyak ang magulang mo!"
"Ano ka ba Alisea! Di nga sila iiyak sakin pero sayo naman sila iiyak, lalo na ang mga magulang mo! Bakit hindi mo sabihin sa kanila?"
"Huwag na lang baka mag alala lang sila, sigurado papalipatin ako, ayoko Krissa. Malapit lang ang school sa bahay ko pati na rin ang mga pamilihan at mall kaya mas gusto ko dito."
"Ano papairalin mo pride mo?" Inis niya sabi.
"Basta think positiv, tsaka may pulis naman eh pwede naman magsumbong."
"Sige siguraduhin mo lang Alisea, bahala ka pag 'di ka tumawag, baka maging katapusan mo na."
"Hindi ako natatakot kung sino man yun, pero iniisip ko baka balak nun akyatin ang bahay ko kaya sinecure ko mga gamit ko sa bahay."
"Yun nga eh pero di na baleng mawalan ng gamit, basta wag lang buhay mo at tsaka nandyan naman ang aso mong si jeosetin kaya babantayan nun ang bahay mo."
"Oo naman siya nga pala punta na ako ng next class ko late kasi tayo naglunch eh!" Maktol ko sa kanya.
"Kasalan kasi yun ni maam eh!"
"Sige una na ako," tumango na lang siya bilang sagot .
Bago umalis niligpit ko muna ang mga gamit at binitbit ang mga ito.
Sasakay ako ng elevator pero ginagawa pa, sayang tuloy ang oras kaya sa escalator na lang kaso nga lang ginagawa pa dahil may naipit na kinder doon, pakalikot kasi pero sa awa ng Diyos nakaligtas siya.

BINABASA MO ANG
The Psycho Gay's Obsession
Misterio / SuspensoThis story is all about a girl named Alisea Madrigal who moved to her new own house and goes to a university but suddenly, a gay named Riggs Marcellus Dallas who is a psycho, obsessive, killer, hacker, and a stalker, who is really madly in love with...