20

1.7K 99 2
                                    

ALISEA'S POV

Nang makarating kami sa hotel agad kami nag check-in para makapagpahinga na rin tapos ayun na nga date na rin 

"uy diba dito tayo matutulog?, pano yan wala akong damit"

"huwag ka mag-alala meron dito dahil pinasadya ko basta lahat ng kailangan mo nandito" 

"ay iba din eh, iba talaga kapag mayaman kasi kami may kaya lang pero hindi mayaman"

"sa ilang buwan kong pang-iistalk sayo, ni hindi ko man lang nakita na kasama mo ang ang mga magulang mo, tanging sa pagpunta mo lang sa may kaarawan. pero kilala ko sila at nakita ko mismo harap-harapan ngunit, nakabangga lang dahil sinadya ko"

"hindi mo talaga gaanong makikita dahil diba nga mag-isa ako dahil gusto kong maging independent at tsaka yun naman din ang gusto nila na matuto akong mag-isa mabuti pa nga kahit papano karamay ko ang aso ko"

"bakit, nandito naman ako"

"oo nga tsaka sila wizie at krissa"

"huwag mo ngang isama yung wizie na yun, hindi mo yun karamay" inis niyang sabi

"ito naman galit kaagad eh samantalang bigla ka lang naman sumulpot sa buhay ko samantalang si wizie matagal ko ng kilala"

"I don't care besides ako na ngayon sa tabi mo, gagawin ko ang lahat mapantayan lang siya sa puso mo"

"kung ano-ano sinasabi mo" 

"alam ko na napilitan ka lang sakin, sa tingin mo hindi ko nararamdaman yun?, I'll give you 1 day to fall in love with me" masinseridad niyang sabi habang tinanggal ang sinturon sa pantalon niya 

"Grabi naman yun 1 day? Sa tingin mo ba madali akong ma- fall? Porket nasayo na ang lahat?"

"Yes, hindi naman impossible yun, aarte ka pa ba?"

"Sige sa paanong paraan?" Taas kilay kong sabi sa kanya

"Syempre diskarte ko na yun" sabay ngiti niya

"Sige sabi mo eh" di ko na siya pinilit bahala na siya diyan

Pupunta ako ng banyo para sana mag cr pero hinatak niya ang isa kong kamay at kinorner ako sa pintuan ng cr hahang ang isa ko namang kamay ay nakatakip sa bibig ko dahil baka magaya ako sa mga pinapanood ko na kapag ginaganto ay hinahalikan

"Oh bakit tinakpan mo yung labi mo? Tingin mo hahalikan kita?" Nakahinga naman ako ng malalim dahil di naman niya pala gagawin ang feelingera ko naman pala kaya naman tinanggal ko na yung kamay ko na nakatakip sa labi ko. Pero nagulat ako dahil nung pagkatanggal ko ng kamay ko sa labi ko ay agad niya akong hinalikan, habang nakahawak siya sa balikat ko

Hindi ko tuloy alam kung anong irereact ko pero hinalikan ko na lang rin siya pabalik, masarap naman siyang humalik tsaka tatangi pa ba ako?

"Siguro nga na-fafall ka na sakin?"

"Sus hindi ba pwedeng crush lang"

"Ok sige panong crush??"

"Ah basta!"

"Ah yun naman pala eh edi hindi malabong mamahalin mo din akong pabalik"

"Siguro nga"

"Anong siguro? Sigurado na yan!"

"Tignan natin"

"Tsk!, tara na nga kain ka na tapos isunod mo ako"

"Babanat-banat ka pa diyan, banatan kita eh" sabay bato ko sa kanya ng mani na nakalagay sa garapon, tumawa lang siya

The Psycho Gay's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon