Epilogue: Quod Erat Demonstrandum

113K 8.8K 46.2K
                                    

This is the finale of the Project LOKI series. Join our Twitter party tonight by using the hashtag #ProjectLOKIQED!

As always, STRICTLY NO SPOILERS! Let's not ruin other people's reading experience.

As always, STRICTLY NO SPOILERS! Let's not ruin other people's reading experience

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Miss Lorelei? Miss Lorelei?"

I RUBBED the sleep off my eyes as I slowly opened them. Luminga-linga ako sa paligid at napansing nakaupo ako sa backseat ng isang sasakyan. I felt the breeze from the air conditioner and the pop song being played on the radio. What time was it already? Parang tirik pa rin ang araw sa labas.

Sa sobrang traffic at haba ng biyahe mula Manila papuntang Angeles City, nakatulog na ako. I was kinda exhausted and I needed that nap to rest my eyes and my mind.

But that nap did not make me feel refreshed. Na-stress pa nga ako. Parang nahulog ako sa isang masamang panaginip. Isang bangungot. I dreamt of two people being washed ashore and found dead on the beaches. Halos maglupasay ako sa aplaya nang makita ang kanilang mga mukha at katawan.

Thank God, I got out of that nightmare.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at minasahe ang sentido ko. I inhaled the cold air, held my breath for a few seconds, and exhaled slowly. Feeling ko tuloy, sumakit ang ulo ko.

Tumingin ako sa rearview mirror kung saan kita ang mga mata ng driver. Our eyes met.

"Nandito na ho tayo sa apartment ng tita n'yo," nakangiting bati niya.

Bumalikwas ako sa aking pagkakaupo. Oo nga pala. I was supposed to go to my aunt's apartment right after my business in Manila. Aalisin na sana ng driver ang kanyang seatbelt at lalabas ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. But I stopped him halfway and told him I could manage myself.

I grabbed my bag, told him to drive safely and got off the car. Kumaway ako sa kanya at hinintay munang makaalis ang kotse. When the car drove away, I slowly turned around, lifted my chin, and stared at the three-storey building before me.

"Lorelei!"

I lowered my gaze and saw my aunt coming to my direction. Nginitian ko siya nang magkasalubong ang aming tingin. It's been a while, Tita Martha. Sinalubong ko siya sa gitna, nagmano at niyakap siya nang mahigpit. She hugged me so tight up to point that I couldn't breathe. Halatang excited siyang makita ako at miss na miss na niya ako.

"Kumusta na ho kayo?" nakangiti kong tanong nang kumalas ako ng yakap. Nakahinga na rin ako nang maluwag sa wakas.

"Heto, mina-manage ang apartment," tugon ni Tita Martha, hawak-hawak ako sa balikat. Sinuri ako ng mga mata niya mula ulo hanggang paa. "Parang antagal nating hindi nagkita, ah? Medyo nagkalaman ka na! Kumusta pala ang biyahe mo mula Maynila? Parang bagong gising ka yata?"

"Grabe pa rin ho ang traffic. Talagang aantukin ka sa sobrang tagal umusad ng mga sasakyan."

"At least, safe kang nakarating dito sa apartment. O siya na, ihahatid na kita roon sa unit," sabi niya sabay tulak ng gate. Pinauna niya akong pumasok bago siya sumunod. "Baka gusto mong magpahinga, ah?"

Project LOKI ③Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon