Chapter 38: Wake Up Call (The News)

460K 17.6K 13.7K
                                    


LORELEI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

ALISTAIR HAS been in coma for more than two weeks now. I know for a fact na hindi lamang ako ang nakaka-miss sa kanya. As what Loki said a few days ago, the QED Club won't be the club that we know today without him, me, Jamie and Al.

Kaya naman pagkatapos ng klase namin nitong Lunes, nagyaya si Rosetta na bisitahin ang kaklase namin sa ospital. She was looking forward to it and said that her "surprise" visit might finally wake up the sleeping prince.

"Malay mo, bigla na siyang magising ngayon, 'di ba?" biro niya habang nilalakad namin ang kahabaan ng hallway sa ospital. She was carrying flowers and basket of fruits. "He already missed a number of lectures! At miss na miss na siya ng mga fan girl niya!"

"Knowing Al, madali lang sa kanya ang makahabol sa mga lesson natin," sabi ko. I have been with him since childhood and he never had any difficulty on catching up with his studies. In terms of intelligence, he is in some ways like Loki, minus the twisted outlooks in life, disgust on the numbers system and harsh words. "I would lend him my notes once he's ready to return to school."

But first, he needs to wake up. Noong huling bisita ko, positive daw ang doktor na malapit na siyang magising. The question is: When?

Pagpasok namin sa kanyang private room, unang bumugad sa amin ang nakahigang si Al. He was sleeping in peace with strange machines around him. Ewan kung namamalik-mata lamang ako ngunit parang gumalaw nang kaunti ang labi niya nang pumasok kami.

A beeping sound rang in our ears. Bigla ko tuloy naalala ang pag-uusap namin ni papa sa hospital room niya kung saan nalaman ko ang katotohanan.

Nadatnan din namin sa kwarto ang katiwala ng pamilya Ravena. She was seated on the bedside and reading a lifestyle book. Baka umuwi muna ang mama at papa ni Al kaya wala sila ngayon dito.

"Good afternoon," bati niya sa amin sabay sara ng kanyang libro. Halata sa lalim ng kanyang eyebags na kulang siya sa tulog. She must have stayed all night para bantayan ang alaga niya.

"Kumusta na ho siya?" tanong ko sabay baba ng aking bag sa gilid ng mesa. "Siya nga ho pala si Rosetta, classmate naming dalawa ni Al."

"Hello po! Nice to meet you!" bibong kumaway si Rosie sa kanya, with matching smiling face pa.

"Stable na ang kanyang vital signs pero mino-monitor pa rin ng doktor ang kondisyon niya," sagot ng katiwala habang nakatitig sa inosenteng mukha ni Al. May nakikita akong bahid ng kalungkutan sa mga ito. "Hindi niya masabi kung kailan gigising si sir. Pwedeng ngayon, pwedeng mamaya o bukas."

How I wish it would be sooner than later. Hindi naman sa minamadali ko si Al, but if he wakes up anytime soon, all the worries in our chests will disappear. The possibility of him not waking up scares me.

At dahil mukhang pagod na ang katiwala, sinabihan ko muna siyang magpahinga, kahit matulog muna ng ilang oras. I assured her that we would be watching over Al habang nagpapahinga siya. She thanked us before leaving the room. Kailangan na rin daw niya kasing maligo.

Project LOKI ③Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon