A/N: Ito na ba ang start ng sunod-sunod na updates?
LORELEI
MAY ILANG trabaho na hindi dapat inuuwi sa bahay. Katulad sa mga funeral parlor. Dapat iniiwan ang trabaho sa workplace.
But Loki being Loki, kahit saan yata, dadalhin niya ang trabaho. Mula sa execom office kung saan niya binabantayan ang mga galaw ni Augustus, hanggang sa kotse ni Alistair na ginamit na panghatid sa amin, hanggang sa apartment namin, nakatutok siya sa kanyang laptop.
Pagdating nga ng kotse ni Alistair sa apartment, dire-diretso lang siyang bumaba ng sasakyan habang hawak-hawak ang laptop kung saan siya nanonood. Wala man lang "thank you" o "ingat" sa kaibigan kong naghatid sa amin.
"Kapag talagang focused siya sa investigation, parang may sarili siyang mundo," komento ni Alistair na lumabas ng kanyang kotse. His eyes were following Loki as he was entering the apartment building.
"Parang 'di pa tayo nasanay," I chuckled. It's been months since we started working together. This shouldn't surprise us at all. "Pero malay natin? One day, bigla na siyang maging polite."
"Ano ba naman 'yan!" reklamo ni Jamie na hanggang sa gate lang ng apartment namin. Nakaharang kasi ako sa daanan para hindi siya makasunod kay Loki. "Sana nga maging polite na ang Loki dear ko. Sana next time, may goodbye kiss na siya sa akin. I mean, I did a very good job today. A kiss would be enough for me."
Napabuntong hininga ako. Magpa-"thank you" nga hindi basta-basta masabi ni Loki, goodbye kiss pa kaya? I'm not saying na it's impossible. Pero malabo pa sigurong mangyari sa ngayon. O sa mga susunod na linggo. O sa mga susunod na buwan. O sa mga susunod na taon.
Malay natin, magka-himala?
"Lori, best buddies naman tayo, 'di ba?" Humawak sa kamay ko si Jamie at hinaplos-haplos ito. "Baka naman... Pwedeng maki-overnight ako sa inyo gaya ng dati? Masyadong busy si Loki dear ngayon. Kailangan niya ng pampatanggal ng stress!"
Naalala ko pa 'yong isang umaga na nagising ako at nadatnan kong nagluluto ng breakfast si Jamie sa apartment. Magaling siyang magluto at masarap ang inihain niya sa amin. I'd give her that.
"Sabi mo nga, masyadong busy si Loki sa ngayon," sagot ko. "Kahit harutin mo siya, hindi magiging effective sa kanya kasi mas importante ang investigation para sa kanya. So next time na lang."
"That's actually a good idea!" pagsang-ayon ni Alistair. "Baka pwede tayong maki-overnight sa unit n'yo, Lori. Once all of this is over, of course."
"Kailangan ko munang linisin ang apartment namin bago tayo mag-overnight," tugon ko. I hope cleaning the apartment was that easy. Kung sanang may kasama ako sa unit na tutulong sa akin para maglinis, 'di ba?
"Pwede ka naming tulungan sa paglilinis!" sambit ni Jamie. "Kahit mukha akong sosyal at sophisticated na babae, I know how to clean a house."
"Pag-usapan na lang natin kapag wala na tayo masyadong iniisip, okay?" isang pilit na ngiti ang ibinato ko sa kanya. "For now, we need to rest because tomorrow's the big day."
BINABASA MO ANG
Project LOKI ③
Mystery / ThrillerThe third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614-project-loki-volume-1 Looking for VOLUME 2? Rea...