A/N: Second update for the week! Medyo kalma muna tayo ngayon.
LORELEI
THE NEXT morning was the calm after the storm. Hindi ako masyadong nakatulog nang maayos kagabi dahil sa dami ng iniisip ko. I couldn't shake the revelations off my head. I couldn't not think of Loki's face wet with tears and Luthor raising his voice at his brother.
Paggising ko nitong mag-a-ala-sais ng umaga, the food that I ordered was left untouched. Pinilit kong kumain kagabi kahit kaunti lang. But Loki didn't try to take even a spoonful of rice or a bite from the burger.
Hindi na nakagugulat pang makitang gising na ng ganitong oras ang roommate ko. He's already seated comfortably in the couch, still in his loose shirt and pajama. Binabasa niya 'yong librong hindi ko natuloy basahin kahapon. The Serenade of the Siren. I couldn't see his face dahil natatakpan na ito ng libro.
With everything that was going on, I didn't have time to focus on reading. Nababasa ko nga ang mga salita, pero 'di ko naiintindihan ang binabasa ko. Tapos binulaga pa kami ng pagbisita ni Luthor.
"Morning," bati ko sa kanya bago ako pumunta sa kusina. I couldn't add the word "good" dahil baka 'di maganda ang gising niya. Well, he didn't bother replying to me. Nagtimpla ako ng hot choco at umupo sa may dining table. I blew the steam off my hot drink and stared blankly at the space in front of me.
Should I talk to him about what happened last night?
Habang ine-enjoy ko ang aking inumin at pinag-iisipan kung ano ang aking gagawin, may narinig akong tatlong sunod-sunod na katok. May iisang tao lang na bibisita sa amin nang ganito kaaga.
Tumayo ako't binuksan ang pinto. Tita Martha's smiling face greeted me. Binati niya ako ng "good morning" sabay pakita sa akin ng isang supot ng pandesal.
"Kumusta ang practice n'yo kagabi?" tanong niya pagkapasok sa aming unit. "Pang-best actor na ba ang performance n'yo? Kailan ipapalabas 'yan sa school? Pwede ba akong manood?"
Mukhang sineryoso nga ni tita ang palusot ko kagabi. Napahaplos tuloy ako sa aking buhok. "Class assignment lang ho siya kaya walang showing."
"Ah, gano'n ba?" Tumuloy na siya sa loob at nahinto sa gitna ng sala. Nagbato siya ng tingin kay Loki at sandaling natahimik, pakurap-kurap ang mga mata.
Na-feel yata ni Loki na may nakatingin sa kanya kaya ibinaba niya ang libro. At last I saw his morning face. He didn't seem to be well rested.
Tita Martha shook her head. Kumunot ang noo niya sabay tanong, "Bakit ganyan ang itsura mo, Loki? Nakatulog ka na ba? Ang lalim na ng eyebags mo, ah?"
Matagal nang nakapinta ang makapal at maitim na linya sa ilalim ng mga mata niya, pero mas malalim ito ngayon. I doubt any of us could have slept sound last night. Maging si Luthor siguro, na sinuntok niya at sinampal ko, hindi nakatulog nang mahimbing.
BINABASA MO ANG
Project LOKI ③
Mystery / ThrillerThe third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614-project-loki-volume-1 Looking for VOLUME 2? Rea...