Chapter 45: The Scarlet Thread IV (Carnelian Call)

113K 7K 10.4K
                                    

A/N: Fourth update for the week! We're still on a roll!

A/N: Fourth update for the week! We're still on a roll!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

"DO YOU believe her?" tanong sa akin ni Jamie.

I shrugged my shoulders. "I really want to. Pero dahil sa mga nangyari recently, hindi ko alam kung basta-basta ako maniniwala sa sasabihin niya o ng sinuman."

During our morning break, the four of us went to the cafeteria, not to buy snacks, but to do our jobs as execom members. Through a text message, Rye Rubio asked us to meet him here. Part of our duties, he said, was maintaining the peace and order in the campus. Emphasis on the "order" kasi minsan may mga bagay na magulo. The cafeteria is part of the campus kaya kasama ito sa sakop namin.

"Pakiayos lang ho ang pila! Patuwid ho natin 'yong linya—" sigaw ni Jamie sa mga estudyanteng nakapila nang pa-zigzag sa counter. Dahil morning break, dagsa ang mga estudyante rito. Kapag mas maraming tao, mas gumugulo minsan. "Ate, doon ang likuran ng pila natin. Bawal ang sumingit. Oo, lahat tayo nagmamadali, pero may sinusundan tayong protocol. Thank you!"

"Huwag ho nating harangan 'yong daanan," sabi ko sa grupo ng mga lalaking nagtatawanan sa gitna. Umiiwas sa kanila ang may dalang tray dahil baka matamaan at matapon ang pagkain. "Umayos ho tayo para walang gulo. Salamat."

Since our problem with Augustus was over—or so it seemed—we're back to doing the usual execom duties. Kung dati'y naggugupit kami ng crepe paper para gawing confetti, ngayo'y inaayos namin ang sitwasyon sa cafeteria. Sabi ni Rye sa amin, sa mga nakalipas na araw, mas dumami raw ang mga pasaway na estudyante na nakalimutan na yata ang salitang displina. That's why we're here, to remind them how to be disciplined.

"Tulungan na kita," sabi ni Alistair sa isang babaeng maraming laman ang dalang tray. May tatlong bowl ng sopas, tatlong bote ng softdrinks at ilang piraso ng sandwich. Maingat na naglalakad ang babae dahil baka matapon ang sabaw. "Saan kayo nakaupo? Ihahatid ko na sa mesa n'yo."

"Uy, salamat!" sagot ng babae na namula ang pisngi. "Napakabait pala ng mga taga-execom. Teka, 'di ba ikaw 'yong nasa magazine cover ng Clarion? Sabi ko na nga ba, eh! Pogi ka sa personal."

"T-Thank you," nahihiyang tugon ni Alistair.

"Why is he acting like a gentleman?" Loki commented. His back leaned against the wall as his arms were folded across his chest. Habang kami'y nagpapakahirap na ayusin ang mga pila, siya nama'y pa-relax-relax lang. "Our job here is to maintain the order. We're not crew of a fast food resto who needs to assist the customers."

"You know what?" Humarap ako sa kanya nang nakapamewang. "Instead na punahin mo 'yong ginawa ni Al, tulungan mo kaming gawin ang trabaho natin. Kapag bumalik si Rye dito at nakita ka niyang walang ginagawa, paniguradong ire-report ka niya kay Maggie."

"You're already doing a fine job asking those students to form a line," Loki replied. He then raised his finger and pointed at something behind me. "Look, the line turned into a zigzag again. Can you ask them if they know what a straight line is and how it looks like?"

Project LOKI ③Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon