Chapter 43: The Last of Augustus XII (Luthor Falls)

123K 8.6K 14K
                                    

A/N: A MUST-READ UPDATE! 

Eight days nang sunod-sunod ang update!

Eight days nang sunod-sunod ang update!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

I HONESTLY don't know where to start. Masyadong mabigat para sa akin na i-share kung ano ang nangyari kinabukasan. It's like a nightmare that I've been dreaming about every night. Isang bangungot na pinapanalangin kong hindi magkatotoo.

Alistair was right. All hell would break loose after I told Loki what he needed to hear.

Pagkagising ko nitong umaga, wala na si Loki sa apartment. He never woke up this early before. What I told him must have troubled him so much, he wanted to settle the score as early as possible.

Nagmadali akong naligo at nagbihis. I can't let Loki to be alone. Hinding-hindi pwede, lalo na sa araw na 'to. I had to be with him. Para kahit ano'ng mangyari, kaya ko siyang pigilan.

"Lori!"

Papasok pa lang ako ng school building nang may tumawag sa akin. Lumingon ako sa likod at nakitang patakbong lumalapit sa akin si Alistair. Umagang-umaga pa lang, he already had a worried look in his face.

"How's Loki?" tanong niya sa akin.

"He's really upset. Kagabi pa siya nagpupuyos sa galit," I muttered. Huminto ako sa tapat ng circulation station ng Clarion. Nag-flashback sa akin ang naging usapan namin ni Augustus dito kahapon. He wanted us to play a game: sino ang magsasabi kay Loki ng katotohanan? Ako ba o siya? I gave him what he wanted. Now we had to suffer the consequences. "I'm really worried na may gawin siyang hindi dapat."

Alistair clicked his tongue. "I knew this could happen. Have you tried contacting him sa phone?"

I shook my head. "Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan, pero hindi niya sinasagot. I also tried messaging him on Messenger pero seenzoned lang ako sa kanya."

"We need to find him!" Alistair exclaimed. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa hallway. Some students already noticed the strange looks in our faces. "Masama ang kutob ko sa mangyayari ngayong araw. If we can't contain Loki, mas gagrabe ang sitwasyon."

"Well, if we wanna find Loki, we need to find Luthor first," sagot ko. Binilisan ko na ang aking lakad. Sumabay naman sa akin Alistair. "Sa ngayon, siya lang ang alam kong unang taong pupuntahan ni Loki."

"Do you know where he might be right now?" tanong ni Alistair.

Umiling ako. "I don't keep tabs of the schedule of the vice president. Maybe we can ask Maggie?"

Nagmadali na kaming pumunta sa execom office. Umagang-umaga, may problema na kaming agad na kailangang i-solve. I haven't eaten my breakfast yet.

This is our own problem. This is our own drama. Only we can solve this.

Pagpasok namin sa execom office, nadatnan ko na roon si Jamie na palakad-lakad sa harap ng mesa. She was biting her nails repeatedly, parang balisa. Nang bumukas ang pinto, huminto siya't humarap sa amin. She grabbed my hands and looked at me in the eye.

Project LOKI ③Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon