A/N: THANK YOU FOR ONE MILLION FOLLOWERS!
LORELEI
I GOT home safely last night. During the whole ride home, I was on guard. Something might happen out of nowhere. Pero mabuti't naging maayos ang pag-uwi ko.
Mr. Vasquez dropped me off my apartment around ten in the evening. Sa sobrang dami ng mga nangyari kahapon, hapong-hapo na akong pumasok sa aming unit. Medyo naibsan ang pagod ko nang sumalubong sa akin si Freya. I poured some cat food into her container. Baka makatulog ako, hindi ko pa siya napapakain. How about me? Mabuti't nakakain na ako sa ospital kaya 'di na ako nakaramdam ng gutom. Naghilamos na lang ako at nagpalit ng damit.
The apartment unit felt different without Loki's presence. Kahit madalas ay nakaupo siya sa couch habang nagbabasa ng libro o habang nagla-laptop nang walang kinikibo, iba pa rin na physically wala siya roon. Well, he wanted to solve the case of his brother's poisoning kaya naintindihan ko kung bakit biglaan ang desisyon niyang huwag sumabay sa akin. Natutuwa pa nga ako, hindi dahil solo ko ang unit, kung 'di dahil nakita ko ang determinasyon niya bilang concern sa kanyang kuya.
I turned on the four locks on the doors, cradled Freya in my arms, and grabbed the giant Theodore the teddy bear from the couch. I'm somewhat confident na walang basta-basta makapapasok sa unit, but just in case... Kasama kong matulog sina Freya at Theodore sa aking kwarto.
Paggising ko kinabukasan, I greeted "good morning" paglabas ko ng kwarto kahit wala naman palang taong nakaabang sa akin. Again, it felt strange that Loki was not in his usual spot in the couch. Nasanay na akong nandoon siya. Nakakapanibago talaga.
A question then popped up on my mind: What if Loki decides to return to the Mendez residence and leave Tita Martha's apartment for good? Would I feel—Oh, nevermind. It's too early to deal with hypothetical questions.
Pagkatapos kong magtimpla ng gatas, umupo ako sa couch at nag-stretching ng mga braso't paa. I then noticed the book that Loki was reading yesterday. The Serenade of the Siren. One of the books that Sir Friedrich Rivera gave me a few days ago. Hindi ko pa pala nababasa 'yon. Hindi rin kasi ako maka-concentrate sa dami ng mga nangyayari. I picked it up and scanned the front cover.
Kumusta na kaya si Sir Rich? He confessed to a crime that he might not have committed at all. There's no way for us to prove his innocence until Inspector Morgan Morales cooperates with us and gives us access to the campus police's resources. Which, I think, would be taken care of today. Kung mag-iiba ang isip ni Tito Odinaire, posibleng magbago rin ang isip ni Inspector Morales.
Binuklat ko ang libro at sinimulang basahin ang unang chapter nito. Medyo maaga pa naman kaya may oras pa akong magbasa. Sir Rich told me to observe kung magugustuhan ko ba ang pagkaka-edit at pagkaka-layout ng libro, dahil gano'n din daw ang magiging approach sakaling mapagdesisyonan kong mag-submit ng manuscript sa kilala niyang publishing house. Hindi naman ako expert sa editing at layouting, but the pages looked nice, I guess?
BINABASA MO ANG
Project LOKI ③
Mystery / ThrillerThe third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614-project-loki-volume-1 Looking for VOLUME 2? Rea...