Chapter 50: The Final Equation III

86.2K 6.4K 14.9K
                                    

THE FINAL COUNTDOWN: Exactly one week before the finale!

THE FINAL COUNTDOWN: Exactly one week before the finale!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

OUR DAILY execom meetings have been always held in our cramped office. But today's different, I guess? Ipinatawag kami sa gymnasium. To my surprise, hindi lang kami-kaming taga-executive committee ang nandoon. The honorable student council officers were also in attendance, with Emeraude Emerson leading the five.

Nabanggit ni Rye Rubio sa amin bago kami pumunta sa counseling office na may importanteng announcement siya. Napaisip tuloy ako kung tungkol saan ba 'yon. Alam kong may upcoming event kaya pinagawan niya kami ng letter cutouts noong isang araw. But I couldn't imagine why such event, whatever that may be, would call for an assembly.

Agad na umagaw sa atensyon ko si Luthor, hindi dahil sa chilling aura niya, kung 'di dahil sa tangkad niya. He's the tallest among the five so I couldn't not notice him. Even in a large crowd, it would be easy to spot him. When our eyes met briefly, he quickly cut his gaze away. Baka napansin niyang nakatingin din sa kanya si Loki kaya umiwas siya ng tingin.

Nakaupo kaming apat sa may bleachers habang ang iba namang execom members ay nakatayo at naglalakad-lakad sa harapan namin. May kaunting awkwardness sa amin. Hindi ko matukoy kung dahil ba 'to sa banta ni Stein o sa ibinunyag niya tungkol kay Jamie. One thing's for sure: He left us with some thoughts to ponder.

"Why don't they start this assembly and be done with it already?" bulong ni Loki. He's not a fan of gathering so I understood his rant. Kung hindi namin siya binantayan kanina, malamang pumuslit na siya. He'd rather be somewhere else than here. "They're wasting our precious time by calling everyone in here. Did they forget that they can send whatever they wanna say via text message or group chat on social media? That's what technology is for!"

Nagawi sa kanya ang tingin ni Rye na nasa paanan ng bleachers. He shot my seatmate with his one-eye glare that silenced Loki instantly.

Bigla tuloy akong nalungkot. Parang may kulang kasi sa scene. Habang nakatingin ako kay Rye, hindi ko maiwasang ma-imagine na may babaeng nakatayo sa tabi niya. Nakasalamin, naka-bangs at maiksi ang buhok.

If Maggie were still here, paniguradong pagsasabihan niya si Loki tungkol sa kahalagahan ng mga ganitong meeting. She'd also be silencing him with a stare and put him in his proper place.

I shrugged the thought off my head. Mas malulungkot ako kung lalo ko pang iisipin.

"Baka may malaking event na pinaghahandaan ang student council," komento ni Jamie habang pinaglalaruan ang kanyang braided na buhok. "May events na tayong in-organize before pero never silang nagpatawag ng ganitong assembly sa lahat ng execom members."

My gaze lingered on her for a moment. She's not yet in her usual self, but I felt glad that she's saying something. Her counseling session must be helping her.

Project LOKI ③Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon