Chapter 48: Honor Thy Father VII (Confession)

77.7K 6.5K 10.6K
                                    

A/N: This is the finale part of Chapter 48! AGAIN: NO SPOILERS, PLEASE! Let's not ruin other people's reading experience. Thank you!

 Thank you!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

I WOKE up with a beeping sound beside me. Pakurap-kurap pa ang aking mga mata habang iginagala ang mga 'to sa paligid. Nasaan na ba ako? This wasn't obviously my room in the apartment. Hindi ganito kababaw ang unan ko. Hindi rin kulay puti na may logo ang kumot ko. Hindi rin ganito ang arrangement ng kuwarto ko. The walls around me were painted white. There was also curtain to my left. The scent reeked strongly of iodine and disinfectant.

I must be in a hospital room.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inalala kung ano ba ang nangyari. Wala naman akong naramdamang masakit sa akin. My muscles only felt weak. Dahil na rin siguro matagal akong nakahiga rito. I needed to stretch my arms and legs.

Muli kong iminulat ang aking mga mata. Sinubukan kong umayos ng pagkakahiga. Napansin kong may nakatihaya sa couch na nasa kaliwa ko. Base sa hairstyle at sa posture niya, that must be my Tita Martha. Malamang binantayan niya ako buong magdamag.

But why was I here again?

Oh, yeah.

I think I remember it quite well.

Back in my dad's wake, Alistair and Loki revealed that the Friedrich Rivera that we knew wasn't the real Friedrich Rivera. Based on the DNA result, he's my uncle who used the name of Friedrich Rivera and pretended to be him.

Kung tama ang pagkakatanda ko, sinubukan siyang hulihin ni Munroe, pero isinipa niya ang stand ng funeral wreath at pinabagsak sa sahig. The fake Friedrich grabbed the gun from him and leaped toward us.

"I'm sorry, Lorelei. I'm only honoring your father's wishes."

BANG! BANG!

The fake Friedrich shot at the lights above us, dimming the room completely. Dahil sa putok ng baril, may mga bumukas ng pinto at nagmadaling pumasok, nagtatanong kung kanino galing ang gunshots. I couldn't see well in the dark—well, none of us could—but I noticed the shadowy figure of the fake Friedrich running past the people who entered the room and ran out as quickly as he could through the exit.

"Are you okay, Lori?" tanong ni Alistair. Inilabas niya ang kanyang phone at itinurn on ang flashlight nito. Itinutok niya sa akin ang ilaw, sinusuri ako ng mga mata niya mula ulo hanggang paa.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Physical, yes, I was perfectly okay. But mentally, emotionally and psychologically? No. The revelations that night were too much for me to absorb. Information overload.

"Let's get her to the chair," Loki said.

I took a step forward, but I lost my balance. Agad nila akong sinalong dalawa at inalalayang tumayo. They asked me again if I was okay, to which I nodded. Sinubukan kong humakbang ulit, pero halos natumba na naman ako. Nagsimulang umikot ang paningin ko. Naging dalawa ang Loki at Alistair na nakikita ko. Dumagdag pa ang dalawang Jamie na bigla akong niyakap at halos yugyugin ang katawan. They were telling me something, but I couldn't understand anything.

Project LOKI ③Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon