Chapter 49

15.4K 549 103
                                    

It's too early in the morning when I decided to visit my angel, before going to work. Pasikat palang ang araw ay nandito na ako sa pinatayong mausoleum nila Dad and Mom for Abuelo and Abuela and now they have gained another one which is my baby.

Pagkatapos kong sindihan ang mga kandila nila ay naupo ako sa lapag para hawakan ang lapida ng anak ko. Gabriel. Sabi nila Dad I was still in coma nang ilibing ang anak ko. Saka ko lang din siya nabigyan ng pangalan ng dumalaw ako sa kanya for the first time. Gabriel, just like Dad's name, they mean angel.

"Hi baby, it's me Mommy." 

Kahit na dalawang beses akong nagpupunta dito sa isang linggo at sa loob ng isa't kalahating taon ay hindi ko pa ring maiwasang maluha kapag binabanggit ko ang mga salitang iyon.

I closed my eyes, imagining my own son calling me 'Mommy' while a wide smile is on his lips.

Sayang nga lang, hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko man lang siya nayakap. Hindi ko man lang siya naalagaan at napalaki. I've never got a chance to hear his cries and laughs.

I wiped my tears.

"Sorry for always crying in front of you. I just can't help it. But don't worry, Mommy is okay." I smiled.

Isa at kalahating taon na ang nakakalipas kaya sa tingin ko ay maayos na rin ako. Iyon nga lang ay minsan hindi.

Isang taon na rin sana ang anak ko ngayon.

"Okay fine... Mommy is not totally okay but I'm trying." I laughed a little, feeling ko kasi hindi maniniwala ang anak ko. I must be crazy for acting Iike this, like he's really here with me. Watching me at sisimangot nalang siya kasi halatang nagsisinungaling ako.

Bumuga ako ng hangin.

"I'm sure inaalagaan ka ng maayos nila Abuelo and Abuela diyan. I'm sorry kasi hindi ko nagawa iyon sayo. If only... If only God will give me another chance to go back that night, I will do everything anak, huwag ka lang mapahamak para mabuhay ka lang..."

It's my fault. Ni hindi ko man lang alam na buntis na ako noon. Wala kasi akong nararamdamang symptoms ng pagiging buntis, it's just that as far as I remember I was delayed for 2 weeks, and I thought that's normal. Hindi lang pala ako ganon nagbigay ng attention sa mga changes ng katawan ko.

"I'm sorry. It's Mommy's fault."

Hindi ko pa rin talaga maiwasang sisihin ang sarili ko.

"But know that I love you so much, Gabriel. Mahal na mahal ka ni Mommy okay?"

I smiled at ipinatong ko ang kamay ko sa lapida niya. Taimtim na nagdasal.

"I'm going to work na hmm? I'll be here again. I'll see you again Abuelo, Abuela and baby Gab." Paalam ko. "I love you, three."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo, inayos saglit ang damit and turned around to go. Pero napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko siya sa labas ng mausoleum.

He was just standing there holding a basket of flowers and looking straight at me. His eyes were red it's like kagagaling niya lang sa pag-iyak.

My heart sunk.

Naisara ko ng mahigpit ang mga kamay ko.

He's here. Ozi is in front of me after more than a year.

Sa pagkakataong ito wala na ulit akong maramdamang ibang bagay kundi sakit. Naaalala ko ng sobrang bilis lahat ng mga nangyari at gusto kong takpan ang tainga ko sa paulit-ulit niyang pagsabi na hindi niya ako minahal. I thought the pain will not coming back but just the sight of him it really hurts me still. Ngunit hindi ko iyon pinakita sa mga mata ko o kahit sa buong mukha ko. I remained calm even if I am breaking within. I stopped my tears even if they want to fall.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon