Chapter 7

16.5K 604 44
                                    

Matapos ang ilang oras sa kusina ay natapos na naming iluto ang lahat ng orders na nauna, though there are still orders na dumadating for those new customers.

But my chefs said kaya na nila at sila na ang bahala. Alam kong pare parehas kaming pagod but they just gave me genuine smiles. Enough for me para bumalik sa office ko at magpahinga saglit.

It's nearly closing hours na rin.

"Great job everyone. We nailed this day" sabi ko sa kanila na nakapag pangiti ulit sa kanila. Nagpaalam na ulit ako at lumabas, with Ozi beside me.

Nang matanaw ako ni Ali ay lumapit siya sa akin. She's grinning.

"Miss Suarez! For sure you'll be happy sa sasabihin ko like I do" ngumiti siya. I waited her to continue sa sasabihin niya.

"Almost all of your customers were very satisfied and happy sa foods at kung paano naging mabilis, maayos at malinis ang pagmamanage ng lahat even if under pressure dahil sa dami ng orders! They even said na e-recommend ito sa mga kakilala nila and one of the best daw at hindi na nalalayo ang restaurant mo sa Ambrosia and Nectar!" napangiti naman ako dahil doon. Yes I got lots of good feedbacks pero maybe this one's a really best comment so far. Nabanggit ang Ambrosia and Nectar at sinabing hindi na ako nalalayo sa restaurant na iyon. Yes that restaurant is perfect as what people who had experience to eat there. Tinuturing kong isa sa mga mabigat na competitor ko ang Ambrosia and Nectar and to be honest iyon din ang naging isa sa mga inspirasyon ko kung bakit I want to aim high and be successful as it is.

"Job well done Ali. Glad to hear that" iyon lang ang nasabi ko sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ko.

Napaubo naman si Ozi, I looked at him.

"Thank you for the help" I mean it. Kung hindi dahil sa kanya hindi ganito ka-success ang araw na ito.

"Woah first time!" and here he goes again.

Nag-excuse na si Ali at tinutungo ko na rin ang office ko.

"I didn't know na magaling ka palang magluto. Kinda surprising" he chuckles and I find it again... Sexy. Damn well everything about him is! Can't believe it.

"Syempre may Chef bang hindi magaling magluto?" he asked at proud sa sarili niya.

"You've just given a chance na makapagluto sa kitchen ko you're already calling yourself a chef" tumawa siya.

"Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. Alam mo pinapamangha mo talaga ako, wala kang kaalam alam 'no? Akala ko nung una nagkukunwari ka lang" humarap ako sa kanya. Naguguluhan na naman ako sa pinagsasabi niya. Hindi na naman siya matinong kausap.

"Nagkukunwari saan?"

"Hindi mo ba nakikita ang mukhang 'to sa tv, sa internet o sa magazines? You know those exclusive sites for elite people?" tinitigan ko siya, checking his whole damn handsome face. Kumunot ang noo ko. Wala naman eh, tsaka sino ba siya para makita ko sa internet and magazines? Duh. Itong nasa harap ko ay simple, antipatiko, walang hiya, hindi matinong kausap at asal kanto kaya imposible. He winked at doon ako natauhan.

"Paano ka naman mapupunta doon?" umirap ako.

"Bahala ka nga sa buhay mo" ang gulo niya talaga kausap tsk. May binulong pa siya but it didn't reach my ears.

"Let's rest for 10 minutes at uuwi na tayo" iyon nalang ang sinabi ko bago ako pumasok sa office.

I was so freakin' tired but it was all worth it. I have never enjoyed cooking in the kitchen like I was a while ago. I mean I am happy kapag nasa kusina ako, cooking, pero hindi kasing saya kanina kahit nakakapagod, ni hindi ko nga napansin na we're under pressure. I don't know why. Weird. I was just happy the whole time.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon