Chapter 12

16K 660 146
                                    


Iniwan ko Si Sungit na naguguluhan at nag-aalala sa takot. Mabuti nga at sumunod naman siya sa akin kahit papaano. Akala ko kung magmamaldita na naman at ipagpipilitan ang gusto niya, mas delikado. I can't let her see these goons.

I returned my gaze to the black car. Nag-igting ang mga panga ko. They found me.

Lumabas ako at doon na rin lumabas si Fernando ang kanang kamay ni Dad.

He took a bow. Nilingon ko si Amira sa sasakyan, alam kong nakikita niya ang nangyayari ngayon dahil nasa harap niya kami may kaunting distansya lang para hindi kami marinig.

"What the hell are you doing here?" seryoso kong sagot.

"Mr. Roziano would like to take you back"

"Tell him to stop meddling with what I want. Hinding hindi ako sasama sa inyo" ano ba ang hindi nila maintindihan?

"He's inside the car. He wants to talk to you" mas lalong nakuyom ang kamao ko. Nilagpasan ko siya at dumerestso sa sasakyan.

At ano naman ang ginagawa ng matandang ito rito? Did he really fly here in the Philippines para sunduin ako? Ganon na ba siya kasabik na makita ako? Damn this old man and his connections!

Pinili ko na ngang mamuhay na parang daga upang hindi niya ako madaling mahanap but he eventually found me. I haven't tell Zyrone and Samina about my whereabouts dahil alam kong tatanungin sila ni dad but this control freak old man is already here.

"Hop inside, son" padabog kong binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa backseat katabi siya.

"Stop following me. Stop what you are doing right now" I seriously said. He just sarcastically laughed a little.

"You're out of your mind. Sumama ka sa akin babalik na tayo ng Italy" I let out a fake laugh.

"You wish old man" tumalim ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Don't call me that, I am your father!" namumula niyang saad. Umiling ako.

"Na sana hindi nalang nangyari" he cursed at me using italian language. It makes me happy to see him mad. Ganyan nga mainis ka, hanggang sa kamuhian mo ako para tigilan mo na ako.

"Don't talk to me like that Kharlo Rozzi!"

"I already told you. Hayaan niyo na ako sa buhay ko. Nananahimik na ako rito, malayo sa inyo" there's no really point in talking with him. Damn, kahit anong gawin kong pagtatago ay nahanap pa rin niya ako. Fuck!

"How can you live in that trashy apartment? Nagpapanggap na mahirap, nagtatrabaho sa mga walang kwentang lugar. At pumayag ka pang maging bodyguard ng anak ng isang senador! How can you associate yourself with them? Kilala mo ba kung sino sila ha?" he's really mad. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon kanina niya pa ako nabangasan. Kailan ba siya titigil sa pangingialam sa buhay ko. Leche naman oh!

Napakaswerte talaga ng kapatid kong doctor na si Samina Rozza Kho dahil nagagawa niya ang mga gusto niya without this old man's control. I am his son but he's controlling the hell out of me! And I fucking hate it, lalo na dahil may gusto siyang ipagawa sa akin. Kaya ako nagtiis na mamuhay bilang mahirap dahil ayoko siyang sundin, but he's really forcing me.

"Wala na kayong pakialam doon!"

"I'll give you two months to think of your decision Kharlo. Kapag hindi ka bumalik ng Italya pagkatapos ng dalawang buwan, you know what will happen" I clenched my jaw.

"What? You're going to kill me?"

"The woman in the car" mas lalong napigtas ang pasensya ko sa matandang ito pagkatapos kong marinig iyon.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon