Chapter 10

16.2K 627 24
                                    

Ozi

Pambihira talaga si Sungit, perwisyo talaga ang babaeng 'yon. Akalain mong matapos akong magmagandang loob na patulugin siya sa apartment ko ay may gana pa siyang mag-aksaya ng tubig at ubusin ang sabon ko?!

Panghuling bote ko na 'yon eh. Wala na akong pambili. Leche naman.

Malaki naman ang pa-sweldo ng ama niya pero pinambayad ko kay Aling Aida. Baka mambulabog na naman 'yon. Tsk. Atsaka kailangang magtipid mahirap na baka alisin ako bigla sa pagiging bodyguard eh balik sa tuyo o itlog ang ulam ko. Gusto ko na sanang mag-backout kasi ayokong magbantay sa baliw at ubod ng sungit na nag-ngangalang Amira Suarez, kaso mas okay na siguro ito kesa naman bumalik ako sa buhay kong isang kahig isang tuka.

Basta hindi magkaka-problema ng malaki, wala akong problema. Mahirap na. Senator ang ama niya, siguro kahit saan magpunta si Senator o kaya itong si Sungit ay may nag-aabang sa kanila sa tabi-tabi upang kumalap ng impormasyon. Kaya nga hanggat maaari ay dapat pribado lang ang whereabouts ni Sungit. Baka kasi kapag nakita ako ng media magka-issue pa dahil sa kagwapuhan kong taglay. Yari na. Pagkaka-guluhan ako at ayoko namang mangyari iyon.

Namumuhay ako ng payapa ngayon.

Tahimik na ang buhay ko ngayon, pwera nalang kung nandito si Sungit. Lakas humatak ng problema 'yon eh nadadamay tuloy ako.

"Hoy ito na sabon mo!" sigaw niya sa labas ng pinto ng banyo habang kinakalampag ang pinto.

Napa-ngiti nalang ako. Nauutusan naman pala siya eh. Ang arte niya lang minsan.

Panatag naman akong walang mangangahas na pag-tripan at pormahan siya o kahit hawakan man lang siya ng mga tambay sa labas kahit alam ko na sa paningin nila ay anghel si Sungit na kakababa lang at napadpad sa isang kanto ng Tondo, dahil sigurado akong binalaan na sila ng mga tropa kong nakakita sa kanya kagabi at alam nilang iyon ang utos ko. Subukan lang nila, baka hindi lang bali sa buto ang matatanggap nila sa akin. Tsaka isang Amira Suarez na anak lang naman ng Senator, kapag siya may gasgas kahit katiting yan malalagot ako. Lintik lang ang walang ganti.

Mabuti nalang talaga at hindi siya masyadong naglalabas sa local news. Kung meron man siguro baka sa mga exclusive na magazines at chanel dahil sa kasikatan niya na rin sa pagnenegosyo. Sana walang naka-kilala sa kanya sa labas baka bulabugin ako ng media kapag nagkataon. Ang gwapo ko pa naman.

Agaw pansin naman kasi itong babaeng 'to kahit ang simple ng suot mapapalingon ka talaga sa kanya tsk.

Balaan ko nalang ulit siguro ang mga tao dito mamaya.

Binuksan ko ang pinto at nilabas ko ang ganda ng katawan ko sa pang-itaas. Naiinis pa rin ako sa babaeng to eh, kagabi pa siya tapos dahil sa lintik na si Oggy the cockroach ay yumakap pa siya sa akin ng walang damit pang itaas. Mas lalo tuloy akong nainis, lagi niya nalang sinasamantala ang kahinaan ko pero hindi naman pinaninindigan. Tsk.

Nagulat siya ng makita niya ako. Tanging pang-ibabang katawan ko lang ang nakatago sa likod ng pinto.

"Alam kong gwapo ako from head to toe" sabi ko habang nakatingin siya sa katawan ko. Pfft. Namula si Sungit.

"Excuse me? I wasn't staring at your body!" tsaka siya tumalikod sa akin. Huling huli na nga nagdedeny pa.

"Fine. Akin na yang sabon nang matapos na ako dito. Ang tagal mo!" humarap ulit siya sa akin at binagsak ang sabon sa nakalahad kong kamay.

"Pasensya na ha? Alam ko kasi kung saan ang bilihan ng lecheng sabon na yan pati yung lulutuin" sarcastic niyang sabi sabay irap. Sarap talaga inisin eh.

"Sige magluto ka na at nagugutom na ako" utos ko. Ewan ko ba nag-eenjoy akong utusan siya ngayon. Dapat lang naman, hindi libre ang pagpapatulog ko sa kanya dito 'no, kung tutuusin eh madali na nga yung pinapagawa ko sa kanya kesa yung ginawa niya sa akin kagabi. Tsk.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon