Chapter 27

14.3K 521 26
                                    

Imbes na sa office ako pumunta ay bumalik nalang ako sa kwarto ko para mag-ayos ng gamit na dadalhin sa La Union. Hindi na muna kasinako pinayagan na lumabas dahil may mga reporters sa labas ng village gaya ng inaasahan namin. They are waiting for us to say something sa biglaang naging desisyon ni Daddy.

Tamang tama rin at tumawag si Ali. The news is all over the the country and it's also possible na pwede rin itong umabot sa ibang bansa dahil na rin sa kilala si Dad.

For sure Kyana is going to call me.

"Ali..."

"I saw the news Miss Amira." Of course.

"Yeah that's true. I was about to call you to say something."

"I guess alam na po ang sasabihin niyo. I got this one. Mainit pa ang issue baka nga dumugin pa kayo ng media."

"Hmm. I was really planning to close the restaurant for a week. I'm going to La Union as well dahil nagkaroon ng problema doon. Do you want to come with me?"

"Sure na kayo Miss Amira? Pwede namang panatilihing open ang restaurant at ako muna ang magma-manage pansamantala."

"Maraming mabobother na mga customers dahil sa mga reporters na magpupuntahan diyan for sure, kaya isara na muna natin. Isipin niyo nalang na binigyan ko kayo ng one week vacation."

"Oh, sige ako na ang bahala na magsabi sa other employees."

"Yes please, pakisabi na rin na bayad pa rin ang buong linggo niyong lahat. Ako na ang bahala sa online and email those who have reservations."

"Yes Ma'am. And oh no, let me take care of that also. May kasalanan pa ako sayo."

My forehead creased. Ano namang pinagsasabi niya?

"Ah eh ang hinayupak na si Angelo hindi pala dumating sa napagkasunduan niyo? Napaano ka na? I was calling you na rin noong isang araw pa pero nakapatay ang phone mo."

I laughed a little. First name basis huh? May something nga sa kanila.

"Oh that... Yes hindi nga siya pumunta dahil nagkaproblema siya. Naintindihan ko naman, and Ozi just saved my ass."

She gasped.

"You mean si Ozi na bodyguard mo?!"

"Yeah."

"Nalintikan na. Paano kung malaman nilang bodyguard mo siya? Tsaka ang sabi mo pa sa bruhang si Hazel multi-billionaire..."

I shrugged my shoulder. "Bahala na, nangyari na eh. Umeksena na si Ozi."

"Pwede na rin, mukhang mayaman naman talaga si Ozi, kahit nga pagsuotin ng sako 'yon nakapa-gwapo, hot at mayaman pa ring tignan."

"Yeah, whatever."

"Ay ang bitter naman. Huwag ka magselos sa akin."

"Seriously, Ali?"

"Joke lang." She laughed on the other line.

"Ano are you going with me?"

"Pwedeng tumanggi?" She asked.

"Your choice." Okay lang naman kung hindi, baka lang kasi gusto niya.

"Thanks. Hindi muna ako sasama sayo Miss Amira. May gagawin lang, but if you need me Miss I'll be there in an instant."

"Okay. Can I ask you one more favor then?"

Akala ko kasi magagawa ko iyon ngayon o sa susunod pang mga araw dahil balik normal na ang lahat but this came up. I have to fix things in La Union, I'b be busy there for sure. Tsaka nasa part kami ng LU where in mahina ang signal. Hindi na rin ako magdadala pa ng ibang gadgets aside from my phone. So gusto ko sana na malaman agad ang tungkol kay Kharlo Rozzi Kho pagbalik ko rito sa Manila.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon