Chapter 4

20.1K 634 37
                                    

Gusto ko pa sanang kumontra kay dad dahil sa sinabi niyang magiging bodyguard ko pero nakaalis na siya.

Sa dami ng taong pwede niyang mahanap, siya pa talaga?! Feeling ko a-asthmahin ulit ako.

"Based on your expression miss Amira, parang kilala mo si Ozi na magiging bodyguard mo." 

Ha! Of course kilalang-kilala ko ang lalaking iyon. Just by hearing his name makes my blood boil! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't mention his name. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko.

She smiled. "Pauwi na rin kaso sinong magbabantay sayo dito?"

"I'll be fine, Ali. You can go home para makapag-pahinga ka na rin. I'm good, I swear." 

Ngumiti siya. "Well then, mauna na ako. Kung hindi kayo papasok bukas, ako na muna ang bahala." 

Tumango lang ako "Thank you, Ali." 

"No problem."

Nahiga nalang ako ulit pagkalabas niya.

Nagring ang phone ko. Teka, paanong napunta ang cellphone ko dito? Sa pagkaka-alala ko ay iniwan ko itong dead battery sa kotse. Pero hindi na pala mahalaga iyon, atleast it's here hindi na ako mahihirapang halungkatin ulit ang mga mahahalagang numbers ng kliyente ko, naka-charge din pala ito.

I removed it from the charger and answered the call. It's Kyana. Sinasabi ko na nga ba at nabalitaan na rin niya ang nangyari.

"Thank God, you answered the call. How are you Amira? Okay ka lang ba? Nakita ko sa news ang nangyari sayo." Yes, she's like this pero sanay na ako. Ganito rin naman ako sa kanya.

"Hey relax Mommy, I am totally fine. Inatake lang ng asthma but nothing worst happened." Tumawa pa ako ng mahina.

"You sure?"

"Yup! No worries. So ano ikaw, kayo ng mga babies ko kamusta? Baka naman napapabayaan mo sila at puro yang asawa mo ang inaatupag mo ha, sinasabi ko sa iyo kukunin ko sayo mga anak mo," biro ko.

"Hmm nagiging spoiled na sila dahil bigay lahat sa kanila ni Zy kaya rin lagi nalang daddy nila ang hinahanap at nagkakampihan pa silang tatlo. They miss you na rin daw." 

Napatawa na talaga ako. Naiimagine ko si Kyara right now that she's pouting. Natural naman na close ang mga bata sa kanilang Daddy na ilang taong din nawalay sa kanila.

"Selos ka naman? Hindi ka ba maka-score?" I chuckled.

"Heh! Tumigil ka nga diyan!" Suway niya.

"Mama is that Chef?!" Oh I know it's Akira. "Yes baby." Kyana answered.

I chuckled when I heard them scream.

"Chef! Chef! Miss ka na namin. Sunod ka na dito ha?" Cute. They used to call me Chef since then kasi Chef nga raw ako. And I was the one who bakes their favorite cookies for them.

"Oo nga Chef! Ang ganda pala dito sa France kapag may snow!" Excited na balita ni Kyara, her twin.

"Oh babies, I miss you too. Hmm, madami kasing ginagawa si Chef dito kaya hindi siya makakapunta diyan. But you're with your Daddy and Mama naman diba? You should be happy." Ngumiti ako, ilang buwan na rin kasi silang hindi ko pa nakikita dahil nasa hometown sila ng asawa ni Kyana na si Zyrone. After ng engrandeng kasal nila dito sa Pilipinas 5 months ago ay bumalik ulit sila sa Paris at mag tatatlong buwan na sila doon ngayon. Namimiss ko na rin ng sobra si Kyana lalo na ang mga kambal.

"We'll be happier if you're here, miss na kita Chef." Nakakawala talaga ng stress 'tong mga batang ito.

"Magkikita pa naman tayo, and when that day comes I am going to bake lots of cookies para sa inyo." I heard them scream yehey!

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon