Chapter 9

15.6K 584 70
                                    

"Ano naalala mo na ba ang mga katarantaduhang pinag-gagawa mo kagabi  ha?" tanong niya. Gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan. Napasimangot nalang ako, grabe naman yung katarantaduhan. Hmp.

Binato niya sa akin yung white shirt niya at sinuot ko ito nang hindi inaalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

Alam kong binalaan na ako ni Kyana na huwag na huwag uminom ng alak dahil sa kahihiyang mga ginagawa ko kapag nalalasing. Pero ano na namang katangahan ang nagawa ko? Can this freaking floor swallow me up right now?

Aaaaaaaaaaah!

Ang hindi ko matanggap ay ang naghubad ako sa harap ni Ozi! Nakita niya na ang lahat sa akin.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. I sat on the bed.

"Huwag na huwag ka nang uminom ng mag-isa ulit. Akala mo sexy kung magbalandra ng katawan eh" if it wasn't because of this headache hahambalusin ko siya. Nang-iinis na naman eh.

"Shut up"

"Ikaw na talaga ang pinaka-baliw na babaeng nakilala ko" sinamaan ko siya ng tingin.

I cleared my throat magsasalita sana ako pero pinapangunahan talaga ako ng kahihiyan. Tanggap ko pa nung nagising akong naka-undies lang kasama si Kyana, pero si Ozi? Oh god!

"Hoy!" napapitlag ako dahil sa sigaw niya.

"Uh what?! Tumahimik ka muna pwede? Yeah I know I do drunken mistakes kapag nakainom, you don't have to remind me anytime!" pumitik na naman sa sakit ang ulo ko. Damn hangover!

"Wala ka bang balak sagutin yang cellphone mong kanina pa nagriring? Naririndi ako" napatingin ako sa bag kong nasa sahig. Ito yung kanina ko pa hinahanap nasa sahig pala.

Kinuha ko ito, at sinagot ang tawag lumabas naman ng kwarto si Ozi. Bakit ba ang sungit niya ngayon?

"Ms. Suarez hindi ka ba papasok ma'am?" tanong ni Ali.

Teka anong oras na ba? Tinignan ko ang wristwatch ko at nanlaki ang mga mata ko. Damn 11:05 am? Seriously?!

Napahawak na naman ako sa ulo kong mabibiyak na ata sa sakit. Damn whiskey! Damn Nectar Whiskey to be specific! I just really bought that luxury drink na kagabi ko lang nalaman na mayroon palang ganong drinks ang bar na 'yon, binili ko ito dahil ang may ari non ay ang iniidolo kong si Mr. Kharlo Rozzi Kho, but the damn hangover I got now is killing me.

"I'll be there"

"Okay ka lang ba?"

"Yeah I am. Sige na I'll end this call" nagpaalam na siya at pinatay ko na ang tawag.

Lumabas ako sa hindi kalakihang kwarto and I saw him sa sala nakaupo and busied himself sa pagpindot ng kanyang phone.

Inilibot ko muna ang mga mata ko sa lugar kung nasaan ako. This place isn't big, hindi rin bago actually it looks old and nah you can't call this an apartment! Why does he even live in a place like this? Hindi naman siya mukhang mahirap. Or sadyang gwapo lang ang lalaking 'to kaya di mapagkakamalang mahirap, but his attitudes say it all. Asal kanto, walang preno ang bibig! Siguro humihithit din siya ng rugby or what. Tsk.

"Do you really live in here? O baka naman pinatulog mo lang ako sa kung saan?" hindi ko maiwasang tanungin. Malay ko ba kung bahay niya ba talaga ito.

"Dito ako nakatira" tumaaas ang kilay ko.

"You don't even look like someone who lives in a place like this" pang-uusisa ko pa. I just can't believe it.

"Eh sa dito nga ako nakatira, anong problema mo?" and why does he even talk to me like I did something wrong? Yeah meron nga akong nagawang mali pero bakit kailangan niyang magsungit?

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon