Chapter 16

15K 687 112
                                    

I was still in shock nang dahil sa nangyaring pagsulpot niya bigla.

Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Close your mouth, alam kong gwapo ako thank you so much" what the hell is happening? Why is he here? What is he doing?

"Good evening ladies" he greeted Hazel and friends na katulad ko ay natulala rin.

Nakatingin lang din ako sa kanya hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya kila Hazel.

Totoo! Si Ozi nga ang nasa harap ko ngayon.

"Oh, just call me Ozi" I heard him said.

Napakurap kurap ako habang nakatingin sa kanya when he laughed a little. Damn, bakit napakagwapo niya?

Bakit mas lalo siyang mukhang mayaman? Hindi mo talaga iisipin na nakatira siya sa bulok na apartment with cockroaches or nagtatrabaho bilang bodyguard ko.

Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko when he looked at me. Nagising lang ako sa pagkamangha at gulat when he kissed me again. Saglit lang, pero yung puso ko malapit ng lumabas.

Kung wala lang kami sa harap ng ibang tao ay nasuntok ko na siya. He kissed me! Not once but twice!

He chuckled after seeing my reaction.

"Can I excuse ourselves for a moment. Kakausapin ko lang ang b-boyfriend ko" I said at hinila na si Ozi papalayo sa kanila kahit na halatang halata naman ang pagkamangha ng ibang taong nandoon.

Gusto kong isigaw na don't deceive by his looks. Mukhang mayaman lang ito but no.

Pumunta kami sa part na malayo sa mga taong nagkakasiyahan.

"What are you doing here?!" pabulong kong sigaw.

"Saving your ass. Nakita ko kasing parang iiyak ka na kanina" he laughed again.

Mas maiiyak ako ngayon kapag nalaman nila ang totoong pagkatao ni Ozi.

"Alam ko na ang iniisip mo. Huwag mo nang problemahin 'yon. Hindi kita ipapahiya"

"Ang alam nila bilyonaryo ang boyfriend ko. They will search for your name in the internet" nanlulumong sabi ko.

"I am a billionaire" matalim na tingin ang binigay ko sa kanya. Hindi naman siya nagseseryoso eh!

"Mukha lang!" humalakhak siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Ikaw ang bahala kung ayaw mong maniwala" hindi talaga, paano naman mangyayari iyon aber? May bilyonaryo bang nakatira sa bulok na apartment? May bilyonaryo bang bodyguard? May bilyonaryo bang asal kanto minsan?

Pinagmasdan ko siya. Maayos na sinuklay ang hanggang leeg niyang buhok, he put wax on it so it will stay just behind his head. He looks hot, nakaipit o nakalugay man ang buhok niya. Bakit siya ganyan? He's a supermodel in my eyes.

He's wearing an expensive tux, walang kagusot gusot iyon. Tela palang naghuhumiyaw na ng karangyaan. Bagay na bagay sa kanya. To be honest he really looks handsome. Mukhang mayaman na mayaman. Tumaas ang kilay ko.

"Saan mo naman nakuha yang suot mo?"

"Ninakaw"

"Ozi!"

"Hiniram ko lang sa drug lord kong boss, okay na?" wala pa ring kwenta niyang sagot.

Hinampas ko siya at napaaray naman.

"Gwapo ko 'no? Swerte mo talaga" kailan ba niya ako kakausapin ng matino? Nakakainis.

"Ano bang ikinaiinis mo na naman diyan. Mabuti nga at dumating ako para sagipin ka eh" kung alam mo lang na mas lalo mong pinalala ang sitwasyon.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon