Chapter 8

15.9K 601 90
                                    

Ozi

NAKATINGIN lang ako kay sungit ngayon habang nilalagok ang laman ng baso niya.

Wengya masama pala 'tong mabroken. Naglalasing, nababaliw, at ayaw papigil. Napailing iling nalang ako, problema na naman.

"Ozi, minsan lang akong manlibre kaya drink whatever you want, ako magbabayad" tapos humagikhik. Lasing na si madam.

"Ano? Tititigan mo lang ba ako diyan? Uminom ka, samahan ko ako!" sigaw niya. Tapos inabot niya sa akin yung bote ng Nectar Whiskey at isang baso. Malakas din pala tong uminom, akalain mong malapit niya nang makalahati ang laman ng bote? At ang galing pa niyang pumili ng iinumin, Nectar whiskey, oo nga pala hindi basta-basta itong si Sungit kahit napaka-mahal ng alak na ito eh kaya niyang bilhin.

Nilagyan ko yun baso ko at nilagok agad ang laman nito. Hindi ako pwedeng uminom ng marami, ihahatid ko pa siya. Sakit niya sa ulo sa totoo lang.

"Tama na yan, umuwi na tayo"

"Hep hep! We're just getting started. Sasayaw pa ako don mamaya" humagikhik na naman tapos lumapit sa akin at bumulong "may talent ako sa pagsasayaw bukod sa pagluluto, secret lang natin yon ha?!" napangisi nalang ako. Iniimagine ko palang na sumasayaw ang masungit na babaeng 'to parang gusto kong matawa.

Sa kabila nang pagkamasungit, strikto at matapang na awra ay kahinaan niya pala ang pag-ibig. Tsk. Love love love, bakit mo naman ginawa 'to kay Sungit?

"Kayong mga lalaki, gago! Ang kakapal ng mga mukha niyong mangloko tapos ibabalita niyong ikakasal na kayo? Para ano ipamukhang kapalit palit ako? Pero wala naman na 'yon, moved on na ako eh. Pero hindi na sana siya nagpakita kasi naiinis ako ng sobra gusto kong manakit pasalamat siya mabait pa ako kaya pinigilan ko ang sarili ko kaya heto ako ngayon!" ayan na nagdadrama na siya. E-video ko kaya to tapos ipanood sa kanya bukas o kaya i-post ko sa facebook para sumikat siya?

"Huwag ka na kasing mag-jowa!" sagot ko naman.

"Kaya nga wala akong jowa ngayon dahil sa kanya!" oh, siya pala ang rason. Gago nga.

"Manloloko ka rin ba ha Ozi?" umiling ako.

"Yan! Dapat gumaya sayo ang mga lalaki. Tama yan! You should not cheat! Huwag manloko!" ipinapanalangin ko nalang na walang taong nakakakilala kay Sungit sa mga oras na ito. She's in her fragile crazy state at nakakaloko iyon. Akalain mong ang isang may ari ng restaurant at tagapagmana ng isang kompanya at anak ng Senator ay nandito ngayon, naglalasing.

"Amira, umuwi na tayo. Mapapatay ako ng tatay mo" baka sabihing kinokonsinti ko ang ka-tangahan ng anak niya patay na!

"Relax ako ang bahala!" ang kulit! Sabunutan kita diyan eh!

"Lasing ka na"

"I can still dance. Watch" tumayo siya at inalalayan ko naman siya. Masubsob pa 'to kasalanan ko pa.

"Ahah! Gusto mo ring sumayaw? Tara!" hinila niya ako papunta sa dancefloor. Nang nasa kalagitnaan kami ay nagsimula siyang gumiling. Umindayog sa saliw ng tugtugin.

She put her hands on my neck at nagsasasayaw siya. Nakatitig lang ako sa mala anghel niyang mukha pero grabe kung mag-sungit at wild kung malasing. Our faces were so close that I can smell her breath na amoy alak. How can a man hurt this woman? Hindi ba naisip ng gagong iyon na napaka perfect naman ng babaeng ito para gaguhin lang? Masungit at may pagka-dragon ito pero sa tingin ko ay kung magmahal sobra. Hindi kasi siya masasaktan ng ganito kung hindi.

Pero pakialam ko ba? I don't even believe in love. Tsaka tanga siya para hindi maka-move on sa ex!

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay iyon sa manipis niyang bewang and she was dancing again seductively.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon