Chapter 22

15K 609 71
                                    

"Hindi ko alam na tsismosa ka pala?" Ozi said that made me startled. Bigla siyang sumulpot sa likod ko.

Kanina pa kasi nakaalis yung dalawang babae samantalang ako ay nasa kinatatayuan ko pa rin. Smiling like crazy. I can't help but to smile. I mean finally there's a way I could see Kharlo Rozzi Kho.

Pero kailangan ko munang isantabi iyon dahil pupunta pa kami ng Home for the Angels. There's always a time for that. I will make time for that. Ngayon na nalaman ko na kung saang site siya hahanapin. Thanks to those two girls.

"What made you say that?" I asked him. Tinignan niya lang ako na parang na-weweirduhan dahil paiba-iba ang mood ko ngayong araw.

"Kasi naki-chismis din ako hahaha! Teka sino ba yang Kharlo Rozzi Kho na 'yan at interesado ka naman, pansin ko lang. Napaka-gwapo siguro niya 'no? Kamukha ko siguro."

Humalukipkip ako sa harap niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Baka kamukha mo ang kuko niya." I joked.

He laughed hard, like what I've said was funny for him. Nakakuha tuloy kami ng atensyon sa ibang taong nasa loob ng bookstore.

"Baka magulat ka nalang kamukha ko talaga siya, kasi ako siya?" I rolled my eyes again.

Really, Ozi? Really?

"Tara na nga kung ano-ano sinasabi mo."

Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga libro ni Kharlo Rozzi Kho. Laging may bagong stocks dahil for sure mabili ito, since then until now. Inaabangan ko nga kung may bago ba siyang release na book pero wala pa.

Since nabili ko naman na lahat ng kailangan ay nagbayad na agad kami at dumeretso na palabas with push carts na naglalaman ng paper bags.

"Wait. Yung iba pa nating mga binili paano 'yon? They won't fit inside my car."

"Nauna na sa bahay ampunan."

"How?"

"Pinadeliver ko na, hindi naman kakasya sa sasakyan eh." Tumango ako, pwede naman kasi 'yon.

"Since when you're helping the kids there?" I asked. Nakakagulat din kasi. Who knows that Ozi is helping kids in an orphanage?

"Mag-aanim na buwan na rin." He said. Oh, matagal na rin.

"You know what, akala ko tambay ka lang talaga, before you got hired by Dad." He looked at me with his one brow arched.

"Iyon naman talaga ang plano ko kaso nahanap na nila ako." Kumunot ano noo ko.

"Nahanap ka nila? Sino sila?"

Huminto kami sa harap ng sasakyan.

"Mga adik." I rolled my eyes. Gosh, he's starting again. I'm trying to know him more, here. Nagbago bigla ang tingin ko sa kanya simula nang malaman ko na tumutulong siya sa Home for the Angels, from antipatiko, walang respeto, asal kanto to matulungin so I'm suddenly interested about his life. Mabait siya, nakakainis nga lang madalas dahil sa mga walang kwenta niyang sinasabi at malakas mang-asar.

Siya na ang nagpasok ng lahat ng mga nabili namin sa trunk and backseat ng kotse.

"Do you often go there? Do you donate foods ng ganon karami everytime na dadalaw ka?"

He shook his head.

"Pangalawang beses palang akong nagbigay ng ganito karami. Libre mo naman eh. Tsaka wala na akong pera pagkatapos noong unang nagdonate ako doon. Pero buwan-buwan tumutulong ako." He cocked his head on the other side, "Anonymously."

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon