40

11.1K 239 46
                                    

L I B E R T Y   K I N G S

I'm staring blankly at the mirror in front of me. All I can see is a woman who doesn't have any emotions in her eyes nor face. When you look at her, you'll see only the depths and nothing more. Kahit daldalin siya ng baklang nag-aayos sa kaniya ngayon ay nanatiling walang kibo at emosyon ang babaeng nakikita ko sa salaman. This is supposed to be her special day like any lady wished to have. Dapat espesyal pero kamanhidan lamang ang nararamdaman ko.

I even forgot what day today is or what time it is already. Para kasi sa 'kin ay tumigil na ang oras nang maghiwalay kami ni Oliver. Hindi na ulit ako buhay katulad noong dating nasa piling ko siya. I hated how I become independent from him. That's not the Liberty I know but did I ever know myself in the first place? I don't know.

"Ma'am ang ganda-ganda n'yo po! Sigurado akong mahuhumaling sa inyo ang fiance n'yo." kinikilig na sabi ng baklang make-up artist na kinuha ni, Tita Amelia.

I just smiled at him a little then I continue dozing off, pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Ganiyan ang ginagawa ko tuwing kakausapin nila ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nandito na ako. Inabot ako ng aking katangahan dito pero wala na akong magagawa, tanggap ko na. I feel so helpless and broken but I can't tell it to someone. Kahit kay Mom ay hindi ko masabi. Sabihin man nating pinigilan niya ako sa engagement na ito pero, I know na hindi niya 'ko maiintindihan pagnalaman niya kung sino talaga ang mahal ko.

I sigh and look at myself more. This is what you deserve. Ginusto mo 'to 'di ba? Nagbulag-bulagan ka sa signs na ipinakita sayo hindi ba? Panindigan mo. Don't give me that emotionless bitch that I'm seeing right now at the mirror. Napangiti ako nang mapait sa 'king mga naiisip. Sana kung anong naiisip natin ay madali nating nagagawa kaso madalas nagtatalo ang ating utak at puso.

I can still remember what happened yesterday night.

Nakatutula noon sa kisame habang nakahiga sa 'king kama sa condo ko. Hindi rito natulog si Mom, hindi naman ito maliit kaso lang ay mas gusto niya raw sa luxurious hotel na ako ang magbabayad. After what she did, hindi ko siya kayang tanggihan. Buong akala ko talaga ay mukha lang siyang pera pero isa pa rin pala siyang ina sa 'kin. Kahit pa paano ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa noong meeting na 'yon. Hindi ako mag-isang nalunod sa kalungkutan.

Habang nakatulala ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad na bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ko ang pangalang nakalagay sa 'king cellphone's screen. Nanginginig pa ang aking kamay at dahan-dahan kong sinagot ang tawag. Pati ang aking boses ay nanginig nang sagutin ko ito.

"Hello..." kailangan ko pang tumikhim para maayos ko ang aking boses.

"Kitten,"

"How are you, Oliver?"

"I-I'm not fine... I miss you so bad." Oliver's voice was soft and low para bang nagsusumamo and my heart almost give in. Ganoon pa lang ang sinasabi niya pero ang puso ay tumatakbo na agad pabalik sa kaniya.

I bit my lips hard, not letting my surrendering words." Oliver..."

"I already gave you time to think. I gave you space and I'm done waiting. I want you back, Kitten. Please come back to me."

Kahit sa cellphone lang kami ay parang nakikita ko mismo sa 'king harap si Oliver na may bigo at pagsusumamong mukha. Just hearing the tone of his voice, I know he wants this so damn bad. I want it too. Pero alam ko sa 'king sarili na ang ginawa ko ang tama. I'm damn right.

"I-I can't,"

"Why? Did I do something wrong? Nagkulang ba ako? Am I too old for you? Did I bored you? Tell me, Liberty. Where did I go wrong?"

Scandalous Affair: Oliver ValezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon