P R O L O G U E

41.3K 981 912
                                    

L I B E R T Y K I N G S

The peaceful and greeny vibe of the garden is now mixed with golden lights that made the place look majestic. The decoration did a good job for making the Valez garden look exquisite, it screamed beauty and luxury. Pairs of eyes and heads turned at my direction as I walked elegantly and powerfully like a supermodel in a ramp sa mansion ng aking best friend kung saan ginaganap ang 22nd Birthday niya.

They are gawking at me like I'm from a different planet. Of course, I am. Galing yata ako sa planeta ng mga diyos at diyosa. I smirked at the egoistic thought that came in my pretty head. Stare at me all you want, but those won't be enough to get my attention. Iisa lang naman ang gusto kong tumitig sa'kin hanggang malusaw ako.

Sorry, my dear friend Olivia, hindi ko namang ginustong kuhanin ang lahat ng atensyon ng mga bisita mo sa iyong kaarawan. Iisang tao lang naman ang nais kong maglaway sa'kin. I continued walking like a million dollar model, with each step I make, my stilleto was singing its power whenever it contacted with the solid ground.

Madali kong nahanap ang aking best friend kasama ang taong gustong-gusto ko. Nakabilog sila sa harapan kasama ang mga hindi ko kilalang tao at mukhang masaya silang nagkwekwentuhan. Looking at them happily chatting made me want to make a grand entrance for them.

Taas noo akong naglakad papunta sa kanilang puwesto dala-dala ang regalo ko for my best friend. Habang naglalakad with elegance and poise papalapit sa kanila ay napalingon siya sa'kin. Kitang-kita ko kung paano namilog nang bahagya ang kaniyang mga mata at napatulala. Ganiyan nga at maglaway ka sa'kin nang hindi mo na maitago iyang nararamdaman mo.

Napangisi naman ako sa nakitang reaksyon niya. Nang makita niyang nakangisi ako sa kaniya ay para naman siyang natauhan. Napalunok pa siya bago umiwas ng tingin at uminom sa wineglass niya. Sabi ko na nga ba at malakas ang epekto ko sa kaniya.

Hindi ko maiwasang matawa sa'king naiisip. Napakagaling kasi ng lalaking ito na magtago ng nararamdaman para sa akin, akala naman niya ay hindi ko nahahalata. He can deny his feelings for me, but he can never hide it. Especially when I have this great effect to him and he cannot avoid nor prevent it, that's what Liberty Kings can do.

"Happy birthday! My sweet Olivia," bati ko kay Olivia nang makalapit ako. Hinalikan ko pa ang pisngi niya at niyakap siya, iniabot ko na rin ang aking regalo sa kaniya.

"Thanks, Libs! O, let me introduce you to my dad's friends," masiglang sabi nito.

Humarap naman ako sa mga taong kausap ni Olivia. Napadapo naman ang aking paningin sa kaniya at nginitian siya nang matamis. "Good evening, Oliver." Lumapit pa ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi katulad ng ginawa ko kay Olivia na siyang anak niya.

Napasinghap naman siya sa aking ginawa. Why are you afraid that your friends might see my effect on you, hmmm? Napangiti naman ako lalo dahil sa aking naisip, tiningnan ko naman ang mga kaibigan niya, lahat sila ay makikisig kahit mga nasa forty to forty-one pataas na ang mga edad.

Nahuli ko namang nakatingin sa'kin nang mariin at kay Oliver ang isa niyang kaibigan. Nginisian ko lamang siya at tumingin kay Olivia na para bang sinasabing, go on, introduce me.

"Mga ninong, this is my best friend, Liberty Kings! Ngayon n'yo lang siya na-meet kasi kakauwi niya lang dito sa Philippines months ago," nakangiting pagpapakilala sa akin ni Olivia.

Kinamayan naman nila ako isa-isa at nagpakilala. Ang huling nagpakilala ay ang lalaking mariin ang titig sa'min ni Oliver. "Atlas Mate." Kinamayan ko ito, nagulat naman ako nang biglang ikinawit ni Olivia ang kamay niya sa braso ko kaya agad na napabitiw ang aking kamay kay Atlas.

Scandalous Affair: Oliver ValezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon