35

10.6K 215 23
                                    


L I B E R T Y   K I N G S

I sigh for the nth time. I don't know what has gotten into me. Hindi ko namang ugaling takbuhan ang mga problema lalo na no'ng nasa New York pa ko. Pero look at me now, having breakfast at my restaurant. Running away from confrontation from Tessa. This is one of the most terrifying things I've experienced. Takot akong mawala sa 'kin si Oliver. Takot na takot. Na aalala ko pa kung paano ako umalis sa mansion kanina.

Para akong magnanakaw na dahang-dahang naglalakad, iniiwasang gumawa ng ano mang-ingay. Nang may makita akong katulong ay hindi ko nilingon kung sino 'yon. Dali-dali lamang akong lumabas at nagpara ng taxi. Oo, para akong tanga. Masyado akong guilty sa relationship namin ni Oliver. Alam kong mali ang umpisa namin pero mahal ko siya. Mahal na mahal.

I'm a sucker for Oliver. 

I want him all.

Even if this love can't be accepted by everyone easily, especially his daughter —my best friend—Olivia. I still want to take him all. Am I too selfish? 

I once again sigh, lahat ng frustration ko ay ibinuhos ko na lang sa pagkain. Malalaking subo ng sinangang ang aking isinubo at ngumuya nang mabilis. Dumagdag pa sa frustration ko ang text ni Froy kaninang umaga. He's asking for a date. Wow, first date with my fiance! I don't want to go but I need to.

Bago ako makatulog kaninang madaling araw ay napagdesisyunan ko nang sabihin kay Froy na aatras ako sa engagement na ito. Wala namang talaga akong pinanghahawakan. Hindi ko naman kailangan ng yaman ni dad dahil may sarili akong negosyo. Oo, mas malaki nga ang perang mamanahin ko sa kaniya pero kaya kong buhayin mag-isa ang sarili ko.

I just don't know about my mom. She will probably nag me about it, saying that it's my right to get my inheritance. Well, she has a point but do I need to sacrifice Oliver for money? Do I need to exchange my love for money that I can have any time? Of course, not!

Ang takot na aking naramdaman noong nahuli kami ni Tessa ang nagpagising sa 'kin. Hindi rin naman siguro tanga si Felix para magpahuli kay dad sa mga affairs n'ya sa lalaki. He's a King after all. Kung gaano kagaling si dad na itago kami ni mom na para bang hindi kami nag exist sa buhay n'ya, kaya rin ni Felix 'yon.

Uminom ako ng orange juice, pagkababa ng baso sa lamesa ay kasabay ng pagdedesisyon kong tanggapin ang date na inaalok ni Froy. Doon sa date ko mamaya sasabihin na aayaw na ako sa engagement namin. Matatanggap naman n'ya siguro, we're just friends to begin with. Wala kaming ano mang malalim na relasyon. 

I quickly fished out my cellphone from my bag. "Good Morning Froy, what time are you planning to go out?" 

Sabi nila matino raw ang lalaki pag hindi sa bar ang unang n'yong date. Sa totoo lang, sa Pilipinas lang naman uso ang kasabihang 'yan. Noong nasa New York pa ko, normal lang naman 'yon. May makikita ka namang matinong lalaki sa bar pero syempre iba ang customs nila doon saka rito. 

Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad sa 'kin si Froy. "Hey Liberty, I'm planning on taking you out for lunch and watch the cinema. Is that fine with you?" 

I didn't know a bachelor would want a cinema date honestly. Ang bilis yata nito mag-reply? Hindi ba siya busy? Well, I wouldn't ask him that, baka magmukha akong concerned fiance. 

Bago ko pa man maitago ang aking cellphone ay tumunog muli ito. Agad na kumunot ang aking noo sa nakitang pangalan sa screen. 

"Hey, daughter of mine! I'll be going back to the Philippines next week. I'm excited to meet your fiance." mas lalong kumunot ang noo ko sa nakitang kissing emoticon na sinend nito sa 'kin pagkatapos.

Scandalous Affair: Oliver ValezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon