07

18.9K 627 340
                                    

L I B E R T Y K I N G S

I was shaking with rage, my blood felt like boiling up. The anger I was feeling was like an acid in my veins. Slowly creeping up on every part of my body. I gripped harder on the steering wheel, I need to calm down. I placed my forehead down and leaned on the steering wheel. As I breathe, tears started to fall down from my eyes. It stings, but I can't stop it. My heart ached as I remember what my dad thinks of me. What did I ever do to deserve this treatment from him? I never harmed him in any way, not like what he was doing to me every time.

When will I ever get used to him? I think I will never be, maybe because deep inside, my heart was hoping that one day, he will be proud of me and love me as his daughter. I laughed at that thought, how naive of me. Liberty, ikaw 'yong unang anak, ikaw 'yong may pinakakarapatan sa lahat, but look, he can never love you the way you wanted it. Wait, did he ever love me?

I smiled bitterly. Bitterness crept inside me, making a hole inside my bleeding heart. Tears were still falling down from my eyes, it seemed like a broken faucet. I sighed as anger took over again and took away all of my sadness. Maybe anger is better than drowning from sadness.

When I calmed down, I started driving slowly. Inihinto ko kasi muna ang sasakyan sa tapat ng gate ng village nina Dad. I cannot drive feeling like hell, baka maaksidente pa ako, e 'di natuwa pa si Dad at wala na siyang anak sa unang asawa niya.

I'm going home to the mansion, I need a great and relaxing bath to take away all the bad things I've felt. I stopped at the nearest mall on the way home to buy some soaps and milk that I will use for the bathtub. I wore my Chanel sunglasses inside the mall, duh! Alangan naman ipakita ko sa lahat ng taong makakasalubong ko ang namamaga kong mata. Mas okay nang mapagkamalang artista sa get up ko. Well, mas maganda pa nga yata ako sa mga artista ngayon na ipinalalabas sa telebisyon. People can't help but to look at me while I walk. I know they cannot help but look at my gorgeousness lalo na't minsan lang sila makakita ng ganitong kagandang nilalang.

Nang makarating ako sa isang store kung saan nagbebenta sila ng mga body essentials, nagsimula na ako pumili ng mga kakailanganin ko, and I'm torn between buying rose scent or the shea butter one. Hmm. . .China blue flower scent was also good. Focus na focus ako sa pag-iisip kung ano ba ang bibilhin ko nang biglang tumunog ang aking phone, hudyat na may tumatawag sa akin.

Oly is calling. . .

Agad kong sinagot ang tawag nito nang hindi inaalis ang mata sa mga bilihin. "Yes, Oly dear?" bungad ko rito.

"Are you okay?" Mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito. Nagulat naman ako sa tanong niya.

"Why did you ask?" takhang tanong ko.

"I just sensed it, lalo na't never naman naging maayos ang pagkikita ninyo ng dad mo," paliwanag nito sa aking tanong. I smiled at what she said, I'm really lucky that I have Olivia by my side.

"Well, what's new? He always bring bad news," I said, I finally decided on what I would buy. I walked to the counter, still talking to Oly.

"We could talk about it later, you did not forget our Saturday night out, right?"

Ah, right! We are having a Saturday night out but it's not like we're going to bar again. "Yes, Prim's condo, right?" paninigirado ko sa aming pupuntahan. It's not a night out, more like an overnight and girl's bonding.

"Yup! Sabay na tayo pumunta," masiglang sabi nito sa akin.

"Sure, I'm going home na rin naman." Bitbit ko na ang aking ipinamili at naglalakad palabas ng mall habang kausap pa rin si Oly.

"Okay, ingat!" Ibinaba na nito ang tawag. Ugh, I wanna have rest and a relaxing bath!

Nang makauwi ako ay wala akong nadatnan na kahit sino. Walang pakalat-kalat na mga katulong, wala rin ang mag-ama. Nasaan ang mga tao rito? Mas tumahimik tuloy ang mansion kaysa sa nakasanayan. It's Saturday today at kumpleto naman lahat ng nakatira dito, pero bakit ang tahimik? Pero okay lang, I'm tired and I want peacefulness. Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong naghubad ng damit para masimulan ko na ang relaxing bath na kanina ko pa gustong gawin.

Scandalous Affair: Oliver ValezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon