31

10.3K 239 28
                                    

L I B E R T Y   K I N G S 

"Good afternoon ma'am, what can I do for you?" I smiled at the lady wearing a yellow dress who waved her hand elegantly at me.

I keep plastering my professional smile as I wait for her response. Patuloy lang siya sa pagtingin sa menu na hawak-hawak n'ya. Kanina ko pa siya napapansin dahil mahigit isang oras na siyang nakaupo rito sa loob ng restaurant ko ng walang ino-order.

May karamihan ngayon ang mga customer na kumakain sa restuarant ko for dinner. Lahat ng tables ay okupado kaya tumutulong ako sa pag-a-assist. Seven-thirty in the evening people are famish and most of them ay maiinit na ang ulo sa gutom. I don't want my restaurant to have bad feedback, kaya kahit hindi ko naman talaga ito trabaho ay ginagawa ko. Marami pa akong tambak na papeles sa loob ng opisina but that can wait, my customers can't.

Her amber chinky eyes suddenly look up to me and I can see clearly that she's embarrassed. I smiled warmly at her, assuring her that it's fine if she sits here for an hour.  

"Sorry, I'm waiting for someone. Can I have sago't gulaman?" her heart-shaped lips form an apologetic smile. She has these Asian features that look soft yet sexy at the same time. 

"No problem ma'am, enjoy your time here." bago pa ako tuluyang umalis para sabihin ang order n'ya ay may lalaking umupo sa tapat ng upuan n'ya.

"Sorry, I'm late Persia," rinig kong sabi ng lalaki. Hindi ko na narinig ang sagot no'ng Persia dahil tuluyan na akong nakalayo ro'n. 

Ayoko namang makinig sa usapan nila ano. Hindi naman ako chismosa at that's none of my business. Dumeretsyo ako sa counter para sabihin ang in-oder n'ya. The mellow OPM song inside the restaurant helps me feel relax even just for a second. Sumasakit na ang binti at talampakan ko dahil kanina pa ako ikot nang ikot dito para magtrabaho. Kung hindi ang mata ko ang sasakit katututok sa laptop ay ang mga paa ko naman. Fuck, adulthood! 

All these tiring works make my stomach growl from hunger. Humilig ako sa counter kung saan inilalapag ang mga pagkain bago kunin ng mga waiter. Agad kong naamoy ang mabangong aroma ng kare-kare na nagpagutom sa 'kin lalo. The peanut smell of the sauce made me salivate big time! Pero agad ding napakunot ang aking noo dahil sa sumunod na pagkaing naamoy ko.

"Head chef! What is this? Bakit ganito ang amoy nito? Are you serving our customer trash?!" Galit kong sigaw papasok sa loob ng kitchen habang hawak-hawak ang kinilaw na tuna. 

I'm not this harsh to my employee, siguro dahil sa pagod at gutom ay masyado nang mabilis uminit ang ulo ko. Napatakip ako ng aking ilong nang muling nanoot sa ilong ko ang mabahong amoy ng kinilaw na aking hawak-hawak. Agad ko itong ibinaba sa malapit na lamasa. Masama ang tinging iginawad ko pagkabaling ko sa mga chefs na nasa loob ng kitchen.

The loud smoky hot kitchen suddenly becomes silent as I harshly put down the plate on the table near me. Only the sound of the sizzling of the food on the pan and the boiling water can be heard inside the kitchen. Their tired sweaty faces turned in my direction and I can see in their eyes the nervousness and fear.

Mabilis na lumapit sa 'kin ang isang babaeng chef, "ma'am ano pong problema?" Magalang nitong tanong sa 'kin.

"Are you deaf? I just asked you all if you are trying to serve trash to our customers?!" Nang gigigil kong sabi sa kaniya habang tinuturo ang kinilaw na nasa gilid ko.

"No ma'am," maagap ang naging sagot nito sa 'kin kahit nanginginig ang boses.

"Then what the fuck is this shit?" I'm not shouting anymore but my tone is still hard and angry.

Inilagay ko sa 'king baywang ang dalawang kamay ko at tinaasan sila ng kilay. Nakita ko pa kung paano lumunok sa kaba ang head cheft bago utusan ang chef na lumapit sa 'kin.

Scandalous Affair: Oliver ValezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon