fourteen

224 11 0
                                        

George

Kinabukasan maaga akong nagising, actually hindi naman ako masyadong nakatulog talaga,kaya mejo masakit ang ulo ko.

Sinu ba naman ang makakatulog sa nangyare?! Masyado akong nagi-guilty sa naganap kay jhean kagabi.  Feeling ko talaga may kasalanan ako kung bkit sinapit nya yun.

Kung nagkataong nagtagumpay ang taong yun sa kahayupang balak nya kay jhean, hindi ko alam kung anung gagawin ko, bka makapatay ako ng wala sa oras.

Alam ko ung pakiramdam na nasa ganun sitwasyon, sobrang nkakatakot at nakakababa ng moral.. Isama mo na ung pandidiri mo para sa sarili mo.

At dahil sa nangyaring un, muli ko na naman naalala ang nangyare saken ilang taon na ang lumipas.

At sa twing maaalaLa ko un, galit ang nararamdaman ko para sa aking sarili. Feeling ko ang dumi ko at ang sama kong tao.

Isa-isang dumaloy ang luha sa aking mga mata, bumabalik ang sakit na aking naramdaman nuon.

Wala akong mapagsabihan kahit na sino, kahit ang pamilya ko ay walang alam sa mga pinagdaanan ko.

Natatakot akong mahusgahan at pandirihan ng mga taong malapit saken.

Kaya pinilit kong magpakatatag nuon walang ibang makakatulong sa sarili ko kundi ako lamang din, dahil kasalanan ko naman kung bkit sinapit ko un. Kung nakinig lamang ako sa payo ng magulang at kapatid ko, hindi ko un mararanasan.

Pumunta ako ng banyi para maligo para na din kahit pa'no ay gumaan ang pakiramdam ko. Nang matapos maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok bago nagbihis.  Pupuntahan ko na lang si jhean.

Sumakay ako ng kotse at bumiyahe papunta sa bahay nina jhean para magbigay ng suporta sa kan'ya, yun ang kailangan n'ya sa mga ganitong pangyayari.

Nandito na ko sa harap bg bahay nina nila, at mukhang napaaga  ako ng sobra dahil wala pang bukas na ilaw sa kusina at sa sala's, tanging ilaw lamang sa kwarto ang nakikita ko .

Nang makalma ko kasi ang sarili ko  knina ay dito na agad ako nagpunta. Dahil kung magtatagal pa ako sa condo ko ay baka ma-depress na namn ako dahil naalala ko yubg nakaraan na pilit kong ng ibinabaon sa limot.

I exhaled deeply, hindi ko maiintindihan kung bababa ako o hindi. Hayst dapat hindi muna ako dito nagpunta, tulog pa silang lahat.

Kung kakatok ako at mangggising mas nakakahiya, baka isipin pa nila na gusto ko lang dumayo ng almusal kaya ang aga ko. Charot lang.

I decided na dito na lang sa kotse maghintay na may magising sa kanila. Ayoko ng mandamay pa sa hindi ko pagkatulog ng maayos.

30 minutes of waiting, hayst I'm so bored, binuhay ko ang makina ng kotse at umalis sa tapat ng bahay nina jhean.

Pupunta ako sa fast food para bumuli ng almusal, ako na lang magdadala para hindi na sila magluto pa.

Hindi ako sa fast food nakarating, napadpad ako sa isang kainan na ang pangalan ay  Martha's Eatery.

Madaming kumakain duon, so bumaba ako para tingnan kung anong tinitindang pagkain duon.

Meron silang mga silog, topsilog at iba pang may log. Haha

Umorder ako ng apat na almusal na magkakaiba, apat dahil nanduon malamang  ang kapatid ko.

Pagkatapos bumili ng agahan ay bumalik na ako sa bahay nina jhean. 

Pagdating ko duon ay bukas na ang ilaw sa kabahayan. Hay salamat. Akala ko mag hihintay na naman ako.

Sino ba naman kasing may sabing pumunta ka ng maaga self? Tapos rereklamo ka. Tsk.

Bumaba ako ng kotse pagkatapos kung kunin ang almusal na binili. Kumatok ako sa gate.

"Tao po."

Lumabas mula sa loob ang nanay ni jhean para pagbuksan ako ng gate.

"Oh hija ang aga mo naman, halika pasok."

"Napaaga nga po ako, hindi po kasi ako nakatulog ng maayos. Bumili nga po pala ako ng almusal natin." Inabot ko kay Tita yung dala ko.

Naglalakad na kami papasok sa loob ng bahay.

"Naku salamat nag abala kapa. Bakit hindi ka nakatulog ng maayos  hija? Iniisip mo ba ang nangyare sa anak ko?" Tumango ako. 

"Bakit mo naman iniisip yun, iniisip mo bang kasalanan mo ang nangyare sa anak ko?"

Umupo kame sa silyang kawayan na nasa salas nila.

"Opo, dahil kung hindi ho sana ginabi si jhean baka hindi nangyare sa kanya yun at kung hinatid ko lamang ho sya
hindi sya mapapahamak."

Hinaplos ni Tita ang likuran ko. "Alam mo hija wala kang kasalanan doon kaya wag ka ng mag isip ng kung ano-ano, hindi mo naman alam na makakasakay sya sa isang walang pusong tao eh." Hindi ako kumibo, na gi-gulity pa din ako.

" Wag kanang mag isip hija, ako na ang nagsasabi sayo na wala kang kasalanan, hala tayo na dyan, tayo na sa kusina ng makapag almusal kana at ng sumigla ka naman kahit pa'no.


Naglakad kame papunta sa kusina nila na tanaw ang sala's dahil may divider lang na nakaharang duon na nagsisilbing dibisyon.

Naupo kami sa harap ng lamesa. Ipinaghain ako ni Tita at ipinagtimpla ng kape.

"Si jhean po pala Tita, tulog pa?" Humigop ako ng kape, hindi talaga ako mahilig dito nakakahiya lang ang tumanggi.

"Nasa kabilang bahay may ipinagbilin lang." Sagot nito bago naupo sa tapat ko. Nagtimpla din kasi sya ng kape nya.

Tumango ako dahil may laman pa ang bibig ko. " Eh si Ate po?" Tanong ko ng malunok ko na ang pagkain sa bibig ko.

"Oo, natutulog pa ang batang iyon." Hibdi na ako sumagot pa. Kumaen na lamang ako.

Masarap pala din ang pagkain kahit hindi sa mamahaling restaurant binili. Bitin ako, dapat pala dalawang order yung binili ko para saken.

Kakatapos ko lang kumaen ng dumating si jhean. Nakaupo pa din ako dito sa kusina.

"George.. bakit ang aga mo dito, kanina kapa ba?" Nagulat pa ito ng mapasukan ako sa kusina nila.

"Oo, sasamahan ko kaya sa police station." Sagot ko, mukhang mas nagulat pa ito dahil sa sinabi ko.

"Alam mo? Paano?" Takang tanong nya saken. Tumayo ako at lumapit sa kanya, niyakap ko s'ya. Mukhang hindi nya inaasahan ang ginawa ko dahil ramdam kong natense sya.

"I'm sorry, muntik ka ng mapahamak kagabi." Sabi ko habang yakap ko s'ya,  naramdaman ko ang pagganti nya ng yakap sakin.

"No, wala kang kasalanan." Sagot nito.

"Agang lambingan naman nyan kapatid." Singit ng kapatid ko ng pumasok sa kusina kaya nagbitaw kame ng yakap ni jhean. Istorbo.tss.

"Bakit ang aga mo dito?" Tanong nito bago kami lampasan at dumeretso sa lababo.

"Sasamahan ko kayo sa police station." Sagot ko.

Tumango lang si ate dahil nagmumog sya.

"Sige jhean sa kotse na lang ako maghihintay."

"Sige, salamat." Nakangiting sagot nya. Tumango ako ng nakangiti bago lumabas ng bahay nila para magpunta sa kotse.







Inlove With  My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon