George pov
Nagising ako na madilim na sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko para itsek kung anung oras naba.
Past 6:00 na pla ng gabi. Bumangon ako at nag inat. Napahaba pala ang tulog nagugutom na ko.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto para lumabas at magtungo sa kusina.
" ay palaka" " what the hell" sabay naming sigaw ng maid ko na hindi ko maalala ang pangalan. Nagulat talaga ako kc hindi ko akalain na may tao pa pala dto sa unit ko. Akala ko kasi umuwe na to dahil sabi ni mommy kanna na uuwe sya sa hapon. Kaya hindi ko inexpect na nandito pa sya.
" anu ba, papatayin mo ba ko sa gulat?!" irita kong sita sa kanya.
" eh mam,hindi lang naman kayo ang nagulat ah apati ako. Bakit ba naman basta basta na lng kayo nag bubukas ng pinto nyo." sagot nito saken na nakasibangot pa.
Seriously?! Tama ba ung intindi ko na ako apa ang sinisisi nya.
" at kasalanan ko pa ganun?!" taas kilay kong tanong.
" opo. Kung nagpasabi man lng kau edi hindi tau nagkagulatan." tatango tango pang sagot nito.
Ay matinde , ngaun lang ako nakakita ng maid na ang sinisisi pa ay ang amo nito.
" tss.. Kakaiba ka. " iling kong sambit dito. Ayoko ng makipagtalo pa at lalo lamang akong nagugutom.
" may pagkaen kabang niluto?" tanong at nilampasan sya pqra magtungo sa kusina.
" meron po. Kakaen po ba kau?" tanong nito habang nakasunod saken.
" ay hindi. Tinatanong ko lang. " sabi ko at naupo sa silya sa may dining table.
" ah kala ko po kc kakaen kayo kaya kau nagtatanong." sagot naman nito na nakatingin lang saken.
Gusto ko syang tirisin. Hindi ko alam kung nang aasar lng batong babaeng to o talagang tanga eh. Pano ga to naging bestfriend ng ate ko.
" grrr.. Malamang kakaen ako kaya ako nagtatanong at umupo sa harap ng hapag kainan para kumaen." gigil kobg wika dto. Susme tatanda ako agad sa kairitahan sa babaeng ito eh.
" maghain kana. " sigaw ko dto. Hindi pa din kc ito kumikilos. Kairita.
Kaagad naman itong kumuha ng plato , nataranta pa ata dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Hayst bahala sya.
_____
" mam may ipapagawa pa po ba kau saken?!" tanong nito saken nun lumapit kung saan ako nakaupo. Andito ko sa salas at nanunuod ng t.v.
" wala na, cge na umuwe kana at gabi na." tanging sagot ko. Hindi inaalis sa pinapanuod ang tingin.
" cge maam, mauna na ho ako sa inio. " paalam nito at tango lang ang itinugon ko sa kanya.
Nakalimutan kong itanong kay ate kung taga san ba ung babaeng un. Napatingin ako sa orasan at medjo gabi na. Mag aalas otso na ng gabi.
Hindi ko alam oero nakaramdam ako ng pag aalala para sa bestfriend ni ate. Gabi na kasi at uuwe itong mag isa.
" haist... Anu bang paki ko dun, sanay naman suguro ubg umuwe ng ganitong oras" kausap ko sa sarili ko.
Ini off ko na ang t.v. hindi ako makapag consentrate dahil nag aalala talaga ako.
Pumasok ako sa kwarto. Sumandal ako sa headboard ng kama at kinuha ko ang phone ko.
I texted ate, " call ur bestfriend , tanungin mo kung nasabahay na sya. "
" ok.." un lang ang reply ng magaling kong ate.
Makalipas ang 10 minutes , nakatanggap ako ng text mula sa kapatid ko. " kakaating nya lng daw sa bahay."
Para akong nkahinga nun nabasa ko ang txt message ni ate. Natutuwa ako at nakauwe sya ng maayos.
BINABASA MO ANG
Inlove With My Maid
RomancePanu kung sa unang pagkakataon mo sa buhay mo nagmahal ka? Ipupursue mo ba? Kahit na sa katulong lang na kinuha ng mommy mo para sau? Panu kung mas higit pa dun ang nagdudugtong sa inio? Panu kung isa pala sya sa mga tinakasan mo nuon?! Tinakasan...