Zyrra pov
Kring...kring...kring...
Mabilis kong binuksan ang bag ko para kunin ang cellphone ko. May tumatawag kc sakin.
Pagkakuha ko ng phone kaagad kong tiningnan kung sino ang caller at kaagad sinagot.
" hello best?! Napatawag ka?" tanong ko pagkasagot ko ng tawag. Si thea, bestfriend ko. Nakilala ko sya nun nag aaral pako. Classmate kami sa isang subject noon. Akala ko nga nuon suplada sya eh kasi mayaman pero hindi naman, sya pa nga ang unang nag reach out saken.
Lalo kame naging close nun naging ka group ko sya sa isang project at simula nun hindi na kme mapaghiwalay. Lagi nya kong isinasama kahit saan sya magpunta, ilang beses na din akong nakapunta sa bahay nila.
Mabait din parents nya, hindi ka maiilang sa kanila kc napaka down to earth ng mga ito. Dalawa lamang magkapatid sina thea. Pero sa ilang beses kong nagpunta sa bahay nila simula nuon never ko pang na meet ang sister nia.
Ang kwenti saken ni thea my pagkapasaway daw ung sister nyang yun nun nag aaral pa lng kame. Puro barkada daw ang inaatupag na kahit anung pigil ng magulang nila ay hindi daw nakikinig . Tapos bigla na lng isang araw na sinabing gusto daw nitong duon mag aral sa america.
Nagulat man daw sila nuon pero agd din pumayag ang parents nya dahil natuwa at mukhang magbabago na daw ang bunso nila. At yun nga dun na nanirahan at hanggang ngaun ay hindi pa bumabalik.
" best, nasa bahay kaba?" tanong ni thea sa kabilang linya.
" pauwe pa lng best, bakit? Pupunta kaba?" sagot at tanong ko sa kanya. Naglalakad parin habang kausap sya.
" san kaba galing?" tanong nitong muli
" dun sa kabilang kanto best, umekstra ako maglaba dun kina aling rina. Tukoy ko dun sa isang mayamang babae malapit lapit sa bahay namin. Suki kame nun sa paglalaba o kahit anung puedeng i-extra sa kanya. Minsan si nanay ang napunta dun kapag off nya kapag nman wala akong raket sa iba o wala akong pasok sa eskwela ako ang napunta kahit day off ni nanay para nman makapahinga sya.
" sipag talaga ng best ko." puri nito saken. Napangiti naman ako dito. Im sure kung kasama ako nito aakapin na naman ako o kukurutin sa pisngi.
" kelangan best eh . Alam mo nman na sa sitwasyon namin kelangan talagang mag doble kita. Kelangan pag sabayin ang pag aaral at pagtatrabaho." wika ko. Malapit na ko sa bahay. Natatanaw ko na ang mga batang naglalaro sa harap ng bahay namin.
" kaya nga best, gusto ko tulungan ka kahit pano , punta ako jan maya ng konti para sabihin ung alok ko sau" wika nito. Bakas sa boses ang simpatya para saken.
" mommy...." sigaw ng isang limang taong batang babae habang tumatakbo palapit saken. Kaagad akong napangiti sa kanya. Makita ko pa lng sya nawawala na laht ng pagud ko.
" hello baby ko. Kamusta nman ikaw? Nagpakabait kaba kay lola?" tanong ko matapos ko syang halikan at yakapin.
Kinarga ko sya at naglajad patubgo sa bahay namin sa loob." opo nman mommy. Lagi naman po akong behave kay lola eh." ngiting ngiting wika nito. Sa edad nyang lima tuwid na tuwid na syang magsalita. Kung minsan pa nga para syang matanda kausap.
" very good thats may baby" puri ko dito at hinalikan sya sa pisngi.
" mommy, sinu kausap.mo sa phone?" tanong nito saken . Dun ko lng naalala na kausap ko nga pala si thea.
" best, sorry nakalimutan kita. " hinging paumanhin ko dito.
" ok lng best, naiintindihan ko. Lahat naman makakalimutan ang ginagawa dahil sa taglay na kacute-tan ng inaanak kong ya eh. Pakausap nga ako." litanya ng bestfriend ko.
Oo ninang sya ng anak ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil isa sya sa mga dumamay at tumulong saken nun panahong lugmok na lugmok ako.
" baby, si ninang kakausapin ka daw." binigay ko ang phone ko sa anak ko. Ibinaba ko sa sa upuan sa salas ng bahay namin.
" hello po ninang kong maganda" ngiting ngiting wika nito sa kausap sa telepono.
Ako e pumunta muna ng kusina para uminom. Naabutan ko si nanay na nagluluto na ng hapunan namin.
" nay, nung niluluto nio?" tanong ko dito ng lumapit ako. Niyakap ko sya mula sa likuran habang sumisilip sa ginagawa nya.
" sinigang na baboy anak." sagot nito saken .
" wow.. Favorite ko yan ah." sagot ko kay nanay. Humarap nman ito saken ng nkangiti." oo para nman makakaen ka.ng madami at ng magkalaman ka." wika nito saken na tiningnan pa ko mula ulo hanggang paa.
" hala si inay, sexy po ang tawag sa klase ng katawan meron ako." sagot ko dto . Natatawa ako kay inay eh. Lagibg tingin saken eh payatot ako.
" sexy sexy ka jan. ! Sexy ga yang parang konying hangin lang e liliparin kna ata." sabay irap saken na sagot nya. Hindi na lng ako nag komento pa at hindi naman ako mananalo kay inay.
" tawagin mo na si misha ng makakaen na tayo." anito at nagsimula ng maghain.
" cge inay." umalis ako at tinawag ko na ang anak ko.
" bunso, tara na at kakaen na tayo. " tawag ko dto.
" opo, mommy." sagot nito at tumayo na sa pagkakaupo para lumapit saken.
" anung sabi ng ninang ganda mo, anu oras daw sya oupunta saten?" tanong ko . Iniupo ko na sya sa silya para makakaen na kme.
" on the way na daw sya.mommy eh, sabi pa nga nya e tirahan mo daw sya ng pagkaen at dto daw sya kakaen." sagot saken ng anak matapos sumubo ng pagkaen.
Ako naman e kumuha ng isang mangkok para lagyan ng ititira kobg ulam kay thea pag dating nya sa bahay.
Malapit na kameng matapos kumaen ng madinig namin ang paghingo ng sasakyan sa labas.
" hello po, may ulam pa" malakas na wika ng taong bagong dating. Habang ngiting ngiti ito samen.
Wala talagang hiya ang babaeng to basta pagkaen ang usapan. Kita mo nga at ulam agad ang tinanong pagkadating pa lng nya.
" ubos na." biro ko dito. At ang babaita. Sumandal pa sa pader at nagpadausdos na kala ko e eksena sa pelikula.
" best naman, ang bad mo! Bakit hindi mo ko tinirahan?!" ngingiti ngiti na lng kame habang napapailing. Ibang klase talaga bestfriend ko..😁
BINABASA MO ANG
Inlove With My Maid
RomancePanu kung sa unang pagkakataon mo sa buhay mo nagmahal ka? Ipupursue mo ba? Kahit na sa katulong lang na kinuha ng mommy mo para sau? Panu kung mas higit pa dun ang nagdudugtong sa inio? Panu kung isa pala sya sa mga tinakasan mo nuon?! Tinakasan...