George
" Ate" tawag pansin ko kay sa kapatid ko na nagmamaneho, kasalukuyan na kameng pauwi ng bahay. Iniwanan ko na lang muna ang kotse ko kina jhean,tutal sa bahay nman nina Mommy ako uuwe ngayon dahil pinapauwi ako ng aking ina.
" Hmmmm?"sagot ng kapatid ko na focus na focus sa kalsada ang tingin.
"Kanina ng banggitin ko ang about sa father ni Misha, I know there something wrong eh, kung pano kayo manahimik bigla, there's tension. Ano bang meron sa ama ng anak ni Jhean.?tanong ko.
" Sis,ayoko na sa'kin manggaling ang sagot dyan sa tanong mo, dahil hindi ko naman yun buhay kun'di kay best."sagot ni Ate, sumulyap lang s'ya sa'kin ng mabilis.
"Eh Ate, nakita mo naman ang reaksyon ni Jhean kanina, bigla s'yang nanahimik at mukhang ayaw pag-usapan ang tungkol doon."nakanguso kong sabi sa kapatid ko.
"Yun na nga, kaya mas lalong hindi dapat sa'kin manggaling ang k'wento kung yung mismong tao na sangkot ay ayaw magkwento."
Niyugyog ko ang balikat ng kapatid ko,"dali na kasi Ate, promise hindi ko sasabihin o ipapahalata na may alam ako,"sabi ko pa at itinaas ang kaliwang kamay para manumpa.
"Ano ba! Gusto mo bang mabangga tayo?'wag kang makulit, hindi nga puwede!"inis na sagot ng kapatid ko.
"Ehhh, sige na kasi! Please Ate, hindi ako mag-iingay."kulit ko pa din.
"No!"sinamaan na ako ng tingin ng kapatid ko.
Pero hindi n'ya ako matatakot kaya kinulit ko pa ulit,inalog-alog ko ang balikat n'ya.
"Hayst! Ano ba? Para kang tanga!"bulyaw na ni Ate sa'kin, hinampas pa ako sa braso. Putik!ang sakit! Ang bigat ng kamay.
"Sige na please, please, please," kulit ko pa din, hindi ako susuko hanggat hindi sya nagsasabi ng tungkol kay jhean.
"Aish! Fine! Tigilan mo na 'yan."inis na itinaas ni Ate ang manggas ng blouse na suot na bumaba dahil hinigit ko. Haha.
Yey!ang galing ko talaga.
"Oh, ano bang gusto mong malaman?"
"Yun nga Ate, bakit ganon ang reaksyon n'yo kanina ng mabanggit ko ang ama ni Misha,tsaka nasan ba ang ama ni Misha?"sunod-sunod kong tanong sa kapatid ko.
Huminto ang kotse, nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin, bumusina si Ate at agad naman may nagbukas ng gate para sa'min.
Ipinasok ni Ate ang kotse sa loob ng bakuran namin."Hoy! Saan ka pupunta?"taka kong tanong ng bumaba s'ya ng kotse.
"Papasok na sa loob, alangan naman dito ako sa kotse tumira."sagot ni Ate at naglalakad na papasok sa bahay namin. Dali-dali akong bumaba sa kotse para habulin ang kapatid ko.
"Wait!"habol ko sa kan'ya,"nasan na ang sagot sa tanong ko?"sabi ko ng abutan ko s'ya sa sala's.
Ngumisi sa'kin si Ate ng nakakaloko,"nextime na lang Sis,"umakyat s'ya sa hagdan para pumunta sa k'warto n'ya, habol na naman ako. Putang*na! Ano ako aso?
"Anong nextime?"kunot ang noo na tanong ko,binuksan ni Ate ang pinto ng k'warto n'ya at pumasok.
"Nextime! In tagalog, saka na lang!"sabi ni Ate ng nakangisi sabay sara ng pinto sa mukha ko.
Tang*ina! Ang daya!
"

BINABASA MO ANG
Inlove With My Maid
RomancePanu kung sa unang pagkakataon mo sa buhay mo nagmahal ka? Ipupursue mo ba? Kahit na sa katulong lang na kinuha ng mommy mo para sau? Panu kung mas higit pa dun ang nagdudugtong sa inio? Panu kung isa pala sya sa mga tinakasan mo nuon?! Tinakasan...