15th

12 2 0
                                    

Time flies so fast and it's almost Christmas! It's also almost a month since Kendric started courting me.

Clingy as he is, lagi niya akong hinahatid papuntang school. Mabuti nalang at maaga ang pasok ko at hindi siya naaabutan ni daddy sa labas ng bahay na naghihintay para sa'kin.

Botong-boto naman si mommy kay Kendric para sa'kin. She always asks about Kendric, and how he treats me.

Si daddy at si ate nalang ang hindi pa nakakaalam.

My mom and I are planning to buy Christmas decorations at the mall since it's weekend. Good thing I don't have anything else to do, that's why I agreed with her. Wala na rin naman akong ibang gagawin dito sa bahay. Tinatamad rin naman akong gumala kasama mga kaibigan ko.

Though, we are planning to hang out before Christmas. Since sa december twenty-two naman ang birthday ni Yvanna, nagpa-plano kaming pumunta ng resort to celebrate her birthday. She also told us that it's going to be her treat, kaya naman ay pumipili na kami kung saang resort kami pupunta.

"Ano bang pwedeng theme o color ng Christmas natin this year?" tanong ni mommy habang tinitingnan kung may iba pa bang disenyo at kulang ng mga Christmas decorations na hinahanap niya.

"Why don't we try red this time, mommy?" pags-suggest ko. Nasa Ayala Mall kami ngayon para mamili ng mga gamit.

Hindi naman halatang excited si mommy na magcelebrate ng Christmas.

"Hmm, let's see," saad niya at nagsimulang kumuha ng mga christmas decors na ang disenyo at kulay ay pula.

Habang hinihintay si mommy na pumili, nagpaalam naman muna ako kay mommy for me to look around. Habang tumitingin sa mga furnitures ay napabaling naman ako sa isang bagay.

Nilapitan ko ito dahil sa sobrang pagkakamangha. It's the beauty and the beast's rose stained glass! It's a lamp. Ang ganda lang niyang tingnan, lalo na if your room is aesthetically pleasing in the eyes.

Kinuha ko ito at tiningnan ang kagandahan nito. I really wanted to buy this, pero nanghihinayang ako. Napaka-dami kong lamp.

Baka maging sobrang liwanag na ng kwarto ko, e. But, I'll see.

"Oh, ano 'yan?" narinig kong tanong ni mommy noong papalapit na siya sa'kin.

Hinarap ko naman ang hawak ko para makita niya. Tumaas ang kilay niya. "Ganda n'yan,"

Tumango ako at binalik ito sa shelves. "Oo nga po,"

"Kunin mo na, ako magba-bayad,"

Ngumiti lang ako kay mommy at umiling. "Hindi na po, mommy. Hindi naman na kailangan, e,"

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako kahit na sa totoo naman ay gustong-gusto ko naman talagang bilhin 'yon. 

My mom nodded and headed her way to the cashier to pay. Habang hinihintay ko si mommy, I texted Kendric that I'm at Ayala Mall with mommy to buy some stuffs that is needed for christmas. Sinabi ko na rin na 'wag nang sumunod. Knowing him, his clingyness, susunod talaga 'yon dito. Kulit, e.

Pagkatapos ni mommy ay dumeretso na kami sa sasakyan para tumungo sa restaurant na pinareserve niya. Magkikita din kami ni daddy at ate don, e. Doon muna kami kakain, tinatamad daw si mommy magluto, e, kahit na may kasambahay naman.

While mom is driving, I was busy chitchatting with Kendric.

Me: 'Wag ka na sabi sumunod. Kakain lang kami saglit don tapos aalis na rin.

Kendric: Sige naaa. I wanna meet your dad.

My lips rose because of his reply. He really wanna meet my dad. Ang kaso, ayaw ko namang ma-pressure siya dahil kay daddy. Saka na, kapag okay na din kami ni daddy. Sa ngayon na hindi pa, hindi na muna. Kay mommy na muna.

Hiraeth (Guns and Roses Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon