"May nanliligaw ba sa'yo, Shanley?" tanong sa'kin ni Criz habang kumakain kami.
Agad naman akong umiling. "Wala, ah. Bakit?"
"Nabalitaan naming may kinikita ka daw, e,"
Tumawa ako. "'Wag kayong maniwala sa tsismis. Atsaka, baka classmate ko lang 'yon, kayo naman,"
Tumango lang naman sila. I sighed. Wala pa akong planong ipakilala sa kanila si Kendric. Hindi naman akong nahihiyang ipakilala siya, o, kung ano man 'yan. Gusto kong ipakilala sa kanila si Kendric kapag sigurado na 'ko, at kapag handa na lahat.
"By the way," singit ni Yvanna. "Malapit na pala mag-pasko! Anong plano niyo? Dagat ulit tayo?"
I shrugged. "Kayong bahala. I guess we'll go somewhere with my family, e. Sabihan niyo lang ako,"
"Gusto kong pumunta ng dagat, e," Yvanna.
"Baliw ka. Mag-pasko ka kasama ng pamilya mo," sabi ko at akmang isusubo na ang pagkaing nasa kutsara ko nang may naalala ako. "Hoy, malapit na rin birthday mo!"
Yvanna rolled her eyes and looked at me. "Kaya nga gusto kong gumala, e!"
Tumawa ako. "Baka pagalitan ka na naman dahil umuwi kang lasing,"
She just rolled her eyes. Tumawa naman ulit ako at sinimulan na ulit ang pag kain para matapos na. Timing naman at paglapag ko ng kubyertos ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad ito sa bag na dala ko.
I turned my phone on and I raised my brow when I got a message from Kendric.
Naiinis pa rin ako sa kanya. Dahil sa kaharutan niya, na late tuloy ako!
Agad ko namang binuksan ang message niya.
From: Kendric
Hi, bub! Saan ka?I typed in for a reply.
To: Kendric
Secret. Find me.I clicked send and placed my phone inside my pocket. Bahala na siya d'yan. Tinatamad akong replyan siya, e.
Atsaka, ba't niya ba 'ko hinahanap? Para namang tanga. May klase pa 'yon, a.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa mga klase namin. Tumaas naman kilay ko nang nakita si Kendric sa tapat ng classroom ko.
Paano niya nalaman kung saang room ako papasok ngayon? Alam niya schedule ko?
Kinawayan niya ako kaagad pagkakita niya sa'kin at agad akong sinalubong.
Hinawakan ko naman ang strap ng bag ko at tiningnan siya. "Paano mo nalamang dito ang susunod na klase ko?"
He just shrugged. "May pupuntahan ka ba mamaya?"
I signaled him to wait as I get my phone from my pocket. Tiningnan ko muna kung meron akong mga deadlines na tatapusin, mabuti naman at wala. Tiningnan ko siya at agad akong umiling.
"Bakit?" tanong ko.
"May pupuntahan tayo," he said and wiggled his brows.
Kumunot naman ang noo ko. "Saan ba tayo? Hindi ako pwedeng gabihin,"
Totoo naman. Pag gagabihin ako, lagot ako kay daddy. Aakalain na naman non na nagpa-party ako.
I barely go to clubs right now. I'm busy with the shits from second semester. Sana naman kung maka-luwag ako ay makakapag party na ulit. How I miss the taste of alcohol and getting wasted.
"Secret, hindi ko na sasabihin. Baka sasapakin mo 'ko, e,"
"Binibigyan mo ako ng rason para sapakin ka dahil hindi mo sasabihin sa'kin," saad ko.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Guns and Roses Series #2)
Fiksi Remaja(GUNS AND ROSES SERIES #2) Shanley Kearie Sheredan Lincoln, LPT. A woman who loves to teach children. She does Martial Arts. She was already accepted on a job offered to her which is based in Japan. After going to Japan, she missed someone who mak...