17th

19 2 0
                                    

"How can someone make me feel so loved and unwanted at the same time?"

Agad na ngumiwi si Yvanna sa sinabi ni Haniezyn. "Pinagsasabi mo d'yan, pota ka,"

Agad na sinabuyan ng tubig ni Haniezyn si Yvanna. "Tangina ka!"

Napa-iling nalang ako dahil sa kanilang dalawa. Tumawa na lang din si Criz dahil sa kabaliwan nila.

We've decided to meet after Christmas and celebrate Yvanna's birthday kahit na lumipas na nuong twenty-two. Nandito kami ngayon sa Villa Carmelita. Treat ni Yvanna kaya hindi na kami tumanggi.

Blessing 'yan e.

"Bili tayo San Mig!" yaya ni Haniezyn at umahon galing sa pool.

Napa-irap naman si Yvanna. "Tangina nito, pala-inom."

"Bilis na!" sabi ni Haniezyn at hinila si Yvanna para bumili na sila. Agad namang kinuha ni Yvanna ang wallet niya sa bag bago siya sumunod kay Haniezyn. Umahon na din kami ni Criz para pumunta sa table namin.

Mabuti nga at wala masyadong tao rito ngayon kaya malaya naming iwan gamit namin kahit na hindi na namin pa kailangang ipabantay.

"Kailan ba resume ng classes?" tanong ni Criz habang kumukuha ng pizza.

Pinunasan ko muna ang sarili ko gamit ang tuwalya at kinuha ang cellphone ko bago sumagot. "January 6 pa daw. May one week pa tayo. Hayaan mo na muna,"

"Damn, I still have a lot of plates to do,"

Tumawa ako. "Same. Nilalangaw na lesson plans ko doon,"

Umupo na muna kami habang hinihintay sila Yvanna at Haniezyn. Hawak-hawak na nila ang mga drinks pero mukhang nago-order pa sila ng pagkain.

I opened my phone and my brow arched when I got a message from Kendric.

From: Bubby <3

Hi bb. Kumusta? I hope you're having fun with your friends! I love you!

Ngumiti lang ako at nag-simulang mag-tipa ng isasagot ko sa message niya. Siya ang nagchange ng contact name niya sa phone ko! Hindi nalang ako kumontra. Baka mag-tampo e.

To: Bubby <3

Hi! I'm having fun naman. How are you? What are you doing?

From: Bubby <3

No "I love you too"? :(( you're making me sad

I bit my lower lip to stop myself from smiling widely. What a cutie.

To: Bubby <3

I love you. You know that already. What are you doing?

"Hoy, mga pota! Nag-order kami chicharon!" narinig kong sigaw ni  Haniezyn habang papunta sa table namin.

I immediately clicked sent and turned my phone off. Nilagay ko muna ang phone ko sa bag at tumayo para salubungin si Haniezyn at tulungan siya sa binibitbit niya kahit naman alam kong kaya niya.

Agad niya namang iniwas saakin ang mga boteng hawak niya, "Ano akala mo sa'kin, hindi kaya 'to?"

I rolled my eyes. "Edi bahala ka, ikaw na nga tinutulungan e, pota ka."

Tumawa lang naman siya dahil sa sinabi ko at nilapag ang mga inumin sa table namin. Since we're kind of tired because of swimming, napag-desisyunan naming magpahinga muna sandali. 

Criz turned on his speaker and he let Haniezyn choose the music. Pinili naman ni Haniezyn ang Kundiman by Silent Sanctuary.

"Seriously, are you in love or broken hearted?" I asked her.

Hiraeth (Guns and Roses Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon