"We'll be going," saad ni mommy at hinila na ang maleta niya para malagay na sa sasakyan.
Ate looked at me and smiled. "Send my regards to your friend, John Vincent, hmm?"
I nodded. Kumaway ako sa kanila nang paalis na sila at sinarado ang pinto ng bahay.
I smiled. Yep, I gave my sister a wrong information about Kendric. Ayaw kong madamay si Kendric sa gagawin ng ate ko.
Alam ko kung anong mga ginagawa ni ate. Matalino 'yan, pero may tinatago 'yan sa mga magulang ko. Natatakot lang umamin.
I've received a lot of rumors back then, ate was having a relationship with any men from left to right. I tried confronting her before, but I'll always end up getting slapped.
Since it's sunday, and I have nowhere to go to, I've decided to stay at home and rest. Mabuti nalang at start na ng sem-break bukas.
Humiga na ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. I opened my facebook app and started scrolling. Ayaw ko namang i-open ang messenger ko even though I've received a hundred of messages. I'm not in the mood to talk to anybody right now. I just want to chill. Grabe 'yung stress na hinatid sa'kin before sembreak.
I was scrolling to some videos, pero napa-tigil dahil bigla nalang may nag-video call.
Aba, si Kendric pa.
I clicked the answer button. Lumitaw naman ang mukha niya sa screen. He smiled when I answered.
"Akala ko hindi ka sasagot," saad niya.
I chuckled. "Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang, I'm bored,"
I rolled my eyes. "So you're randomly video-calling those people who are online, huh? To ease boredom?"
He shook his head. "No, ikaw lang naman tinawagan ko."
I arched my brow, "Oh, really?"
"Really!" saad niya at parang may pinipindot-pindot sa cellphone. "Screen share ko pa sayo ang messenger ko, e,"
I laughed. "I don't wanna invade your privacy, and besides, I don't have the rights to dictate you on what you should and should not do,"
Hindi naman siya nakinig sa'kin at talagang nag-share ng screen! True enough to his words, ang laman ng messenger niya ay puro group chats at mga message ng kaibigan niya. Agad niya namang in-off ang screen sharing.
"Sabi ko sa'yo, e," pag-mamayabang niya at umayos ng pagkakahiga.
Umayos din ako at marahang hinila ang kumot ko. Tinapat ko naman ang cellphone ko sa camera. He arched his brow when he saw my face.
"Ikaw lang mag-isa d'yan, 'di ba?" tanong niya. Tumango lang ako.
"Pwede bang pumunta?"
Tumawa ako at umiling. "May CCTV. Baka mapa-layas ako ni daddy kapag nalaman n'yang may pinapunta ako dito,"
Napa-kamot naman siya sa ulo niya at sinandal ang ulo sa head board ng kama n'ya. "Napaka-strikto naman ng tatay mo,"
"I know, right,"
May sasabihin pa sana siya kaso bigla siyang napalingon. In-off niya muna ang camera niya at narinig kong nilapag niya ang phone niya sa lamesa.
"Bakit po?!" Narinig kong sigaw ni Kendric. Tinawag siguro siya ng nanay n'ya. "Teka lang, a," paalam niya.
"Ma!" rinig 'kong sigaw niya, I even heard his foot steps na papalayo. Lumabas siguro muna ng kwarto.
Napa-ngisi ako at nilapag muna ang cellphone ko habang hinihintay siyang bumalik. Napa-titig muna ako sa ceiling habang nag-iisip kung anong gagawin.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Guns and Roses Series #2)
Ficção Adolescente(GUNS AND ROSES SERIES #2) Shanley Kearie Sheredan Lincoln, LPT. A woman who loves to teach children. She does Martial Arts. She was already accepted on a job offered to her which is based in Japan. After going to Japan, she missed someone who mak...