6th

24 6 1
                                    

Finally, finals for first sem is done. Mabuti at natapos na kami sa exams at activities. We've passed the requirements on time.

The school gave us a two weeks break before the second sem will start. I have time to rest and unwind. I'm planning to go to a beach with my friends. Hindi ko nga lang alam kung makakasama si Haniezyn.

I walked around the campus habang hinihintay si Yvanna at Criz na matapos sa exam nila. Magka-klase naman kasi silang dalawa. Kaming dalawa ni Haniezyn ang naiiba.

I'm looking for a place to stay while I'll wait for them to finish their exams. Mabuti nalang at nakahanap ako ng spot kung saan pwedeng umupo.

I was so pissed off when I was taking my exams. Bukod sa sobrang hirap ng questions, bago ako makalakas ng bahay ay nag-away pa kami ni ate.

One of the reason why I always go to school very early. Ayaw 'ko talagang iniinis ako when I started my day. Buong araw ko 'yan dadalhin.

Sumandal ako sa puno at tumitig sa mga ibong lumilipad, kagaya ng isip ko. Kaya hindi ko napansin papalapit na pala si Yvanna at Criz papunta sa'kin.

"Hoy!" tawag kaagad ni Yva kaya napalingon ako sa gawi niya. Agad akong tumayo at pinagpag ang pantalon ko para matanggal ang kung anumang dumi na dumikit sa damit ko.

Agad namang hinila ni Yvanna ang siko ko, tumawa lang si Criz. I arched my brow while I'm looking at them.

"Bakit?" tanong ko.

"Alam mo ba, may nagkakagusto sa'yo sa section namin!" natatawang saad ni Yva. "Gago, nahuli namin ni Criz na ikaw ang wallpaper, e!"

Natatawa akong umiling. "Pabayaan niyo nalang,"

Tinampal naman ni Criz ang braso ko, "Gago ka! Sabihin mo sa'min kapag pinormahan ka nung siraulo na 'yon, ah,"

My upper lip rose, "You already know that I have no time to entertain people,"

"Sabihin mo nga lang sa'min para masapak ko agad," saad ni Yva.

I shrugged. Bahala na sila d'yan. Agad na kaming umalis para puntahan si Haniezyn sa school niya.

"Alam mo, Shan," Yvanna started the conversation. "Hindi ko talaga alam anong tipo mo sa lalaki,"

I laughed. "I have high standards of man,"

Sumakay na muna kami sa tricycle at kumuha na muna kami ng pang bayad bago nag-usap ulit.

"Ano ba tipo mo? Moreno, matangkad, basketball player? Marami akong kilala!"

I shrugged. "Basta tinamaan ako, edi tinamaan ako. Ayaw kong may specific standards. Basta ba, napapasaya ako, okay na 'yon,"

"Bahala ka nga," sabi ni Criz at bumaling kay Yva. "Ikaw, anong tipo mo sa lalaki?"

Yvanna arched her brow, "Hmm.. basta ba't kaya niya akong ipag-laban."

"Hindi ka ba pinag-laban ni Eric?" natatawang tanong ni Criz. Napataas tuloy ang kilay ko.

"Gago ka!" sabay hampas ni Yvanna kay Criz. Tumawa lang si Criz. "Sino si Eric, punyeta ka!"

Natawa nalang din ako sa pinag-uusapan namin. Ba't ba napunta sa lalaki ang usapan. Hayop na Yvanna 'to.

Agad ko silang tiningnan ulit. "Kailan ba releasing of grades?" tanong ko.

Yvanna tilted her head at ginawa sa ibang direksyon ang paningin, para bang nag-iisip. "Hm, next week? I think? Bakit?"

I twisted my lips. "Kinakabahan ako, eh,"

Naningkit ang mga mata ni Yvanna. "Gago. Dean's lister kang hayop ka, ba't ka kinakabahan?"

Hiraeth (Guns and Roses Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon