"San mig!" Utos ni Haniezyn kay Criz. Agad na pumakyu si Criz sa kanya. Tumawa nalang kami. Ayaw niya talagang inuutusan siya.
Nasa Camp Holiday kami. It's tuesday and actually our second day here, and it's refreshing. At least I had the time to unwind and breathe from all those fucking negative energy. I got to rest for a while because after two weeks, second sem na naman.
Mabuti nalang at sabay ang sembreak ni Haniezyn sa'min at pinayagan siya ng nanay niyang lumabas kasama kami.
"Hanggang kailan ba tayo dito?" tanong ni Yvanna habang naka-upo kami sa gilid ng pool.
"As long as we want to," saad ko.
"Wala na 'kong pera. Naubos na," natawa naman ako sa sinabi n'ya.
Inalis ko muna sa pagkaka-tali ang buhok ko at hinayaan itong naka-lugay. "Use your credit card. Inom pa kasi,"
Sumimangot naman si Yvanna na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi kong gamitin niya ang card niya. Sasagot pa sana siya pero napa-baling naman ang atensyon niya kay Criz na paparating kasama ang mga inorder naming inumin. Agad ding lumingon si Haniezyn at ngumiwi. Napatawa ako sa reaksyon niya.
"Puta, sabi ko san mig. Ba't red horse?" tanong ni Haniezyn na parang nandidiri.
Yumuko naman si Criz para ilagay ang mga inumin namin kung saan kami nakaupo, "Walang iba, e,"
"Pass." Haniezyn said and even gestured that she's not drinking.
Criz rolled his eyes, "OA mo. Lakas mo naman uminom nito,"
Tumawa ako. "'Wag niyong iabot kay Haniezyn 'yang red horse. Alam niyo na kung anong nangyari nung nakaraan," saad ko.
Agad naman silang napatawa dahil sa sinabi ko.
Memories! Nung grade 12 namin, nag-debut 'yung kaklase ko at inimbita kami. Hindi kami papauwiin hangga't hindi kami uminom, e, ang alak nun red horse. Ito namang si Haniezyn, nilagok 'yung alak! Pagkatapos, pauwi na kami non, tas habang nagtatanong ako sa driver kung mag-kano ang pamasahe, bigla naman akong sinigawan ni Haniezyn na bente-singko nga daw.
Nakakahiya 'yon! May ibang pasaherong naka-sakay non, e! The vicarious embarrassment!
Oh, God. Never again. Kaya pag-katapos non, hindi na namin siya pina-inom pa ng red horse. Delikado, e.
"'Wag niyo na ngang ipaalala sa'kin 'yon, puta," Haniezyn rolled her eyes. "That was last year!"
Umiling nalang ako at dahan dahang nagpadausdos para makalangoy. Tumigil ako sa pagkakalangoy at nakita ko namang sinundan ako ng tatlo. Parang mga tanga.
"Train, train!" sigaw ni Haniezyn na parang bata. Agad naman siyang sinundan ng dalawa. Nilagay ni Haniezyn ang dalawang kamay niya sa magkabila kong balikat.
"Abante, Shan!" sigaw niya ulit.
"Pota, para naman tayong mga bata," sabi ko at walang nagawa kung hindi umabante. Para namang batang siraulo itong nasa likod ko at tuwang tuwa.
Para kaming mga uod na paikot-ikot sa pool. Mabuti nalang at kakaunti lang ang mga tao dito at hindi naman kami pinapansin dahil sa kabaliwan namin.
Mabuti nalang at binitawan na ako ni Haniezyn at tumigil na kami sa isang side ng pool. Umahon ako at umupo sa may hagdan.
Agad namang bumaling si Criz sa'min, "Random thought lang,"
"Ano 'yon?" tanong naman ni Yvanna.
"What will you do if you've met someone today, then later on realized, that person is actually destined for you?"
Agad na kumunot ang nuo ko sa tanong niya. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Cristopher,"
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Guns and Roses Series #2)
Teen Fiction(GUNS AND ROSES SERIES #2) Shanley Kearie Sheredan Lincoln, LPT. A woman who loves to teach children. She does Martial Arts. She was already accepted on a job offered to her which is based in Japan. After going to Japan, she missed someone who mak...