11th

21 6 1
                                    

Sembreak has officially ended. Start na din ng second semester. Another hell.

Nakarating na din sila mommy from their trip. Kaya ayon, lagi ulit akong tambay sa kwarto nung dumating nila.

I was about to go get up to get ready because I have classes when my phone suddenly beeped. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bedside table at binuksan ito. I smiled when I got a message from Kendric. 

It's already a week since Kendric started courting me. Lagi niya 'tong ginagawa, he texts me every morning. Pag gabi naman, lagi kaming magka-tawag. Lagi nga din kaming gumagala nung hindi pa dumadating sila mommy.

I opened the text message, and twisted my lips to stop myself from smiling widely.

Kendric

Good morning, bub! Please do remember that you are amazing. I know this second semester will be hell, but you got this. See you later! 

I can't help myself from smiling. Simula nung pinayagan ko siyang manligaw, he always send messages to me saying these things. Alam niyang madali na 'kong ma-bad mood lalo na pag nandito si ate.

I replied to his message and leave my phone at my bed and headed to the bathroom to get ready.

Habang naliligo, hindi ko tuloy mapigilang mag-isip kung ano ang susuotin! Hindi naman ako anxious, pero I feel like I have to be more presentable in front of Kendric.

Nakakakaba pala 'to? Bwisit lang. Lumabas na 'ko ng bathroom at pumunta sa closet para kumuha ng mga damit para suotin.

I wore a plaid skirt, pairing it with a chanel belt, as my bottom. Then fitted cropped white shirt and pairing it with a blue cardigan as my top. I also paired it brooklyn high-heeled boots and coach net red bag to complete the look. I also put some light make up on so I wont look pale.

I stared at myself in the mirror. Hindi ba masyadong over-reacting 'tong suot ko? Feelung ko sobra lang. Not the usual, I seldomly wear skirts papuntang school.

I shrugged. Okay na 'to.

Lumabas na ako ng kwarto, sinilip ko pa ang sala kung nandoon sila mommy at ate. Mabuti nalang at wala. Tulog pa ata sila. 8:30 AM palang e.

Hindi na ko nag-breakfast. Sa school nalang muna ako kakain. Male-late na din ako, e.

As usual, pinuntahan ko pa si Haniezyn sa bahay niya. Agad naman siyang tumakbo patungo sa'kin. Kunot noo niya 'kong tinititigan.

Ginaya ko naman siya, "Bakit?"

"Ba't parang ang babae mo ngayon?"

"Tangina mo. Para bang sinasabi mong lalaki ako kung mag-bihis, a," saad ko.

Tumawa naman siya at agad na umiling. "Hindi! Gago! Bihis na bihis ka kasi," sabi niya at bigla namang tumigil. I stopped walking and looked at her confusingly.

"May pumoporma sayo, 'no?"

"Wala, a!" I denied. Ayaw ko na munang may ipakilala sa kanila. Hindi nila alam 'to.

"Ba't bihis na bihis ka?!"

"Bawal ba? I want to be myself for the day, pabayaan mo nga muna ako. Bwisit ka, a," saad ko at nagsimula na muling mag-lakad.

Tumawa naman si Haniezyn at hinabol na 'ko. Agad na kaming pumara ng masasakyang jeep para makapunta sa school. Nag-abot kaagad na kami ng bayad to lessen the hassle of getting a money from our bags.

"Gala kaya tayo?" sabi bigla ni Haniezyn kaya napa-tingin ako sa kanya.

I raised a brow. "Saan naman tayo pupunta? Kaka-simula lang ng second semester, gagala ka na agad."

Hiraeth (Guns and Roses Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon