7th

22 5 1
                                    

"What movie do you want to watch?"

Nasa Gaisano Mall kami ni Kendric ngayon. He really did fulfilled his promise that we'll see each other today regardless of his busy schedule. He told me that he has a lot of plates to do. Sabi ko nga dapat inuuna niya 'yon, but still he made time.

Feeling may label?

Manunuod kami ng cine. Ayaw ko nga sana, pero mapilit siya at ililibre niya naman daw ako. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Baka magtampo 'to, susuyo pa ako.

"I don't know, something, uhm, a movie that's sad?" I suggested.

Umiba naman bigla ang itsura niya. "No, ayaw ko. Corny,"

"Eh, ano? I miss bawling my eyes out," saad ko.

He laughed then combed his hair using his fingers.

Damn.

Ang pogi!

"Okay," saad niya. "Pick a movie,"

Agad naman ako tumingin sa mga posters kung saan nakabalandara ang mga movies na pagpipilian. Merong horror, rom-com, action at iba pa.

Nanliit ang mga mata ko at napa-isip kung mayroon pa ba pwedeng ibang gawin dahil hindi ko naman trip ang mga palabas ngayon.

I looked at him, "Wala akong mapili e. Atsaka, hindi ko rin alam kung magaganda ba 'yan. Sayang lang sa pera kung ganon,"

He chuckled. "Ako naman ang mag-babayad,"

I rolled my eyes, "Kahit na. 'Wag nalang tayo mag-movie, let's find another place to stay," sabi ko. Tumango naman siya.

Nagsimula na kaming mag-lakad. To be honest, hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ni Kendric.

"Hindi ko nga alam, e. Gusto ko lang namang mag-freshen up. Buti nga tapos na finals ngayong first sem,"

Tumango siya, "Oo, kabado nga ako sa grado ko. Pero, ayos lang 'yon. Maiintindihan ng mga magulang ko kapag bumaba man ang grado ko, alam naman nilang mahirap ang college, e,"

I smiled bitterly. Sana ganon din parents ko.

I grew up trying to meet the standards that my older sister built. Kaya grabe din ang pressure pag-dating sa'kin para ma-meet ang expectations ng mga magulang ko.

Bigla namang tumigil si Kendric sa pag-lalakad at napa-tingin sa'kin. I raised my brow.

"Bakit?" tanong ko.

I was shocked when he held my left hand, "Bigla ka kasing tumahimik." saad niya. "Tara, sa the peak tayo." he said then pulled me.

Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya. Napaka-tsansing naman ng lalaking 'to. Nakakailan na 'to, a?

Nakarating na kami sa the peak. Mabuti nalang at wala masyadong tao kaya malaya kaming makakapili kung saan kami uupo. It's past lunchtime, kaya siguro wala masyadong tao dahil gumagala.

Umupo kami sa may naka-display na water fountain. Sinilip ko ang tubig at unti-unting hinawakan ito para maramdaman kung malamig ba ito o kung mainit.

Good thing that the management maintained the fountain's cleanliness. Sa sobrang linis nito, baka magulat nalang ang mga tao na may nagsi-swimming dito.

"So," Kendric breaked the silence kaya napa-tingin ako sa kanya. "Ba't ka nga biglang natahimik?" tanong niya.

I immediately shook my head. "Wala naman,"

Hiraeth (Guns and Roses Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon