Nakarating na kami ng SM. Tinext ko na kaagad si mommy na nakarating na 'ko. Agad niya naman akong sinabihan kung nasaan siya.
"Kinakabahan ako, gago," saad ni Kendric habang hawak-hawak ko ang kamay niya.
Tumawa lang naman ako sa kanya. Kanina pa ganyan si Kendric. Hindi mapakali. Hindi naman nangangagat si mommy.
Malapit na kami sa store ng Mango nang hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan niya 'ko gamit ang dalawang kamay niya at hinarap sa kanya.
Natawa ako sa mukha niya. Para namang natatae.
"Tangina, Shan. Ano 'to, meet the parents?"
"Si mommy lang naman, parents ka d'yan. Ba't ka ba kinakabahan?" natatawang saad ko.
"Mommy mo 'yan, baka hindi ako magustuhan," sabi niya at napahilamos ng mukha. "Tangina naman, ganito pa ayos ko," saad niya.
Napatingin naman ako sa itsura niya. Ayos lang naman! At syempre, galing siya ng eskwelahan. Hindi rin naman alam ni mommy na ipapakilala ko sa kanya si Kendric, e.
Tinampal ko naman kamay niya, "Baliw ka. Maayos naman suot mo, ah? 'Wag kang mag-aalala. Mabait naman si mommy."
Tumango lang naman siya at nginitian ako. Nginitian ko din siya pabalik at hinila siya muli.
Good thing I saw mommy near the fitting room. Kalalabas lang niya dala-dala ang mga damit na sinukat niya nang nakita niya 'ko. Ngumiti siya sa'kin at napa-tingin sa likod ko. Kumunot naman ang noo niya nang napabaling siya muli sa'kin.
Sinalubong ko siya ng yakap at hinalikan ko siya sa pisngi, "Hi, mommy."
"Hello, dear. Do you want anything here?" Tanong niya. I immediately shook my head.
"Wala naman po, uhm, mom," sabi ko at nilingon si Kendric sa likod ko. I signaled him to go near me. Hinarap ko naman ulit si mommy. "Mom, si Kendric nga po pala," saad ko.
Bumaling naman ako kay Kendric. He offered his hand to shake his hand with my mom, "Hello po, ma'am," saad nito.
My mom nodded and they shake hands. "Don't call me 'ma'am', hijo. Tita nalang," sabi ni mommy at nilapit ang ulo niya sa'kin para bumulong. "I didn't know you have a boyfriend,"
Nanlaki naman ang mga mata ko at bumulong din sa kanya. "He is not yet my boyfriend,"
My mom raised her brow and slightly smiled, "Not yet?"
Doon lang sumagi sa isip ko 'yung sinabi ko. Not yet?!
Dahan-dahan akong tumango. "My suitor, mom," sabi ko.
Tumango naman si mommy at bumaling kay Kendric. Ngumiti si Kendric sa kanya at sa'kin. Natatawa ako sa itsura niya, hindi mapakali.
"Nice to meet you, Kendric," mom said and smiled. "Let's go and eat? Where do you want to eat?" tanong ni mom saaming dalawa.
Bumaling naman si Kendric sa'kin. I looked at him with an asking face. Nagkibit balikat lang naman siya. Hinarap ko si mommy.
"Kahit saan lang po, mommy," saad ko. Tumango lang naman si mom at nauna nang naglakad.
I looked at Kendric and smirked. "I think mom likes you," sabi ko sa kanya at nagsimula nang sundan si mommy.
"Sigurado ka ba d'yan? Baka 'pag ayaw sa'kin magiging kagaya sa mga drama, ha," saad niya.
Kumunot ang noo ko. "Drama?"
"'Yung mga mayayaman nga magulang na sasabihan 'yung mga taong may gusto sa anak nila na 'anim na milyon, layuan mo ang anak ko'," saad niya.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Guns and Roses Series #2)
Novela Juvenil(GUNS AND ROSES SERIES #2) Shanley Kearie Sheredan Lincoln, LPT. A woman who loves to teach children. She does Martial Arts. She was already accepted on a job offered to her which is based in Japan. After going to Japan, she missed someone who mak...