Agad kong ipinasa ang test paper ko pagkatapos itong ireview. Last subject na ang EL1! Sumasakit ang ulo ko habang binabasa ang mga tanong sa test paper.
Nakasimangot akong lumabas ng classroom. Nasa labas naman si Kendric at hinihintay akong matapos. He immediately went to me and smiled.
"Anong nangyari sa'yo?"
I rolled my eyes. "Napakahirap naman kasi ng exam sa EL1. Hindi na nga masyado pumapasok 'yung teacher namin, e, hindi rin naman namin masagutan ang exam."
Tumawa siya at inakbayan ako. "Ganyan talaga. Naka-answer ka naman kahit papaano?" sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.
Tumango ako. "Mabuti nga, naka-answer e. Saan na ba tayo pupunta?"
It's the last day of our exam! Pasalamat na nga ako at Christmas break na.
"Sigurado akong mataas makukuha mo d'yan," saad niya.
I chuckled, "Hindi mo sure. Hindi nga ako sigurado sa mga sagot ko kanina, e. 'Yung score ko din, hindi sigurado."
Tumawa siya. "Alam ko namang mataas makukuha mo," saad niya at luminga-linga sa paligid. "Saan mo ba gustong kumain? Pwede ka nang umuwi?"
Tumango ako. "Oo. Tapos na exam, e. Saan mo ba gusto?"
"'Yan ang hindi ko alam, kaya nga tinatanong kita e."
Nagkibit-balikat ako. "Kahit saan. Hindi ka pa uuwi?"
Agad siyang umiling. "Sabay tayong uuwi,"
I smiled and nodded. Naghanap kami ng makakainan. Hindi namin alam kung saan kami kakain, that's why we ended up eating street foods.
Mabuti nalang hindi maarte si Kendric! Ang lakas pa nga niyang kumain ng isaw.
I was about to pay for my food, pero inunahan niya naman ako agad. I told him that I'll pay for my own food, but he insisted. Wala na akong nagawa, kaya pumayag na ako.
Tumambay na muna kami sa MTS at umupo sa maliit na kubo doon. We brought chips and drinks, para habang nagke-kwentuhan ay kumakain.
"Any plans for Christmas?" tanong niya.
"Wala pa nga, e. Hindi ko alam kung sa bahay lang kami, o, pupunta kami sa ibang lugar para doon mag-celebrate ng pasko. Kayo ba?"
Sumubo muna siya ng chichirya bago sumagot, "Dito lang kami sa Davao. Tinatamad si daddy, e."
Mom and dad don't have plans yet, maybe we'll celebrate Christmas here in our City. Sana naman. Nakakatamad na din pumunta sa iba, e. Atsaka, birthday din ni Yvanna sa twenty-two. Kaya sana hindi kami luluwas.
Wala na kami ibang nagawa ni Kendric, kaya pagkatapos naming kumain at hinatid niya na ako pauwi.
"Thank you," saad ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Shan," tawag niya sa'kin bago pa man ako maka-alis.
Lumingon naman ako. "Bakit?"
I was shocked when he pulled me closer to him, he kissed my forehead.
He held my face and stared at me, "Let's see each other after Christmas?"
I smiled and nodded. "I'll text you."
Binitawan niya na ako. We bid our goodbyes at pumasok naman na ako sa bahay. Nagulat ako nang walang tao dito.
Saan naman kaya sila pupunta? I checked my phone if there's any messages from them, but I got none. Hindi man lang sila nag-iwan ng mensahe o note man lang.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Guns and Roses Series #2)
Teen Fiction(GUNS AND ROSES SERIES #2) Shanley Kearie Sheredan Lincoln, LPT. A woman who loves to teach children. She does Martial Arts. She was already accepted on a job offered to her which is based in Japan. After going to Japan, she missed someone who mak...