Agad na 'kong lumabas ng kwarto pag-katapos kong mag-ayos dahil maaga pa ang pasok ko. Mabuti nalang ay maagang umalis ng bahay sila mommy at daddy. Malas nga lang, naiwan si ate.
Pag-dating ko sa dining area ay nakita ko si ate na naka-upo na at kumakain na ng almusal. Umupo na rin ako para makakain ng almusal. Kaharap ko si ate, tinitingnan niya 'ko na parang kinakaawaan niya 'ko. Nakakainis. Wala namang nakakaawa sa'kin.
I looked at her and raised my brow. "What's your problem?"
She smirked, "Nagmumukha kang matanda. First year ka pa lang, stressed ka na?"
I rolled my eyes. "Edi ikaw na lang mag-aral at maging ako," sabi ko at tumayo. "Una na 'ko, I lost my appetite," sabi ko at kinuha ang bag ko para maka-alis na.
Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi ako mainis sa kanya. I even heard her whispered, "Kaya ayaw sa'yo ni daddy, e,".
Hindi ko nalang pinansin. Ganon talaga kapag pinalaking spoiled. Lumalaki ang ulo. Feeling superior. Buti nalang napigilan 'kong hilain ang buhok niya. Baka kapag nahila ko, pati ulo niya, tanggal.
Tangina, hindi talaga magiging okay ang mental health ko kapag dito sa bahay. Kailan ba 'ko makakaalis.
Lumabas na ako ng bahay at lumakad papunta sa bahay ni Haniezyn. I texted her. Nakasanayan na naming sabay na pupunta ng eskwelahan kahit na magkaiba na kami ng school ngayon. Simula highschool ay napag-desisyunan naming sabay nang pumasok, mag-kapit bahay lang naman kami eh.
I checked on the time and it's already 7:30 AM. 8:30 pa naman ang pasok 'ko. Pero si Haniezyn, 8:00 AM pasok n'yan! Napaka-bagal talaga kumilos. I called her on the phone but she wont answer.
Mabuti nalang at biglang lumabas si tita at sumunod naman si Haniezyn. She smiled at me and walked faster towards me.
"Ba't ka nakasimangot?" she asked while closing the gate.
"Ang tagal mo, male-late ka sa klase mo," sabi ko. Lumakad na kami para makahanap ng masasakyan. Nagje-jeep lang naman kami papuntang school.
"Lagi namang late prof namin, okay lang 'yon," saad niya. "Atsaka, napansin ko, bad mood ka talaga. Si ate Genevieve na naman ba?"
I rolled my eyes. "Sino pa ba? Siya lang naman itong nakakainis na nakatira sa bahay,"
Haniezyn laughed. "Hayaan mo na," sabi niya at pumara ng jeep.
Sumakay na kami pareho. Nag-bayad na rin at pinagpatuloy kung ano man ang pinag-uusapan. Hindi naman kasi ako titigilan nitong Haniezyn hangga't hindi nasasagot ang mga tanong niya sa utak. Siraulo ang puta.
"Ano na naman bang ginawa sayo ng ate mo?" tanong niya.
Inayos ko muna ang bag ko bago sumagot. "Being a brat again. Bahala siya sa buhay niya. Alam mo namang dati pa lang ay ganon na 'yon,"
Tumango siya sa sinabi ko. "Oo nga naman. Ayaw paawat. Kaya sa pinanggagawa niya, ikaw tuloy 'tong unappreciated by your parents when in fact mas marami ka namang ginawang mabuti,"
True enough. Ako laging napapagalitan dahil sa mga kasalanang hindi ko naman ginawa. There's this time when ate went home drunk at may nabasag siya. Nagising nalang ako nang pinaghahampas na ng malakas ni mommy ang pintuan ng kwarto ko. She even slapped me. While I was there standing and holding my right cheek, clueless of what I did. Tapos nalaman kong si ate naman pala may kasalanan non. She did not even said sorry. Kapal ba naman ng mukha.
While Haniezyn and I are still chit-chatting, biglang may pumasok sa jeep na lalaki. Siniko naman ako ni Haniezyn. Pareho sila ni Criz na mabilis ang mata kapag may pogi.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Guns and Roses Series #2)
Teen Fiction(GUNS AND ROSES SERIES #2) Shanley Kearie Sheredan Lincoln, LPT. A woman who loves to teach children. She does Martial Arts. She was already accepted on a job offered to her which is based in Japan. After going to Japan, she missed someone who mak...