"Ako pangit? Look who's talking." pabalik niyang tanong.
"Sipain ko mukha mo, gusto mo?" tanong ko.
"Akala mo naman kung sinong maganda." bulong nito.
Inirapan ko siya. Pero alam ko sa sarili kong maganda ako. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang confidence na mayroon ako pero siguro dahil sa mga compliments na natatanggap ko.
"Nga pala, nakita mo ba sila Jazmine?" tanong ko.
"Nakasalubong ko sila kanina. Uuwi na raw sila."
"Siguraduhin mong totoo ang sinasabi mo ah."
Nagdere-deretso na ko sa paglalakad at lumabas ng mall. Naalala ko na naman ang sinabi ni Liam kanina, na mas gusto niyang katabi si Jaz kesa sa'kin. Ano naman ngayon? Pero bakit hindi nila ako hinintay?
Nakarating na ko sa bahay. Umupo na ko sa upuan na plastik at nagpahinga.
"Oh. Nakabili ka ba? Kumain ka muna." tanong ni mama sa'kin.
"Saglit lang po, magpapalit lang ako ng damit." sabi ko at pumunta sa kwarto.
Ilang sandali pa ay nakapagpalit na rin ako. Lumabas ako ng kwarto at umupo sa upuan na malapit sa lamesa.
"Mukhang hindi maganda ang mood mo, may nangyari ba?" tanong ni Mama habang naglalapag ng mga plato sa lamesa.
"Wala naman."
"Sige, kumain ka na. Pagkatapos ay matulog ka para makapagpahinga ka." ani Mama Cindy.
"Sige po." nagpatuloy na ko sa pag-kain.
Pagkatapos ko kumain ay dumiresto na agad ako sa kwarto at tinago yung cellphone namin ni Mama. Bukas ko na lang ibibigay dahil wala pa kong sim card, hindi rin magagamit.
Humiga ako sa kama naming kahoy. Luma na kaya inaamag na pero pinagtitiyagaan ko pa. Si Mama Cindy naman ay sa upuan na kahoy sa sala natutulog.
Kinabukasan naman ay gumising ako at inihanda ang uniform ko. Kusa akong nagising dahil sa masama kong panaginip, napakasama.
Kumain na ko. Hinanap ko si Mama pero mukhang wala siya, siguro ay naroon kila Cong. Hindi ko pa man din naibibigay ang cellphone.
Nagbihis na ako at umalis pagkatapos kong kumain. Naisipan kong ihatid ang cellphone kay mama dahil yun naman ang dahilan kung bakit ito binili, kaya ako maaga umalis.
Dumiretso ako sa street kung saan dun nakatira si Cong at dumiretso sa bahay nila.
Nag doorbell ako at may nagbukas naman. Si Mama ang nagbukas, start na siguro ng work niya dito kaya nakapang maid na ang suot niya.
"Ma, kunin mo itong cellphone. May sim card na yan, naka phonebook na rin ang numero ko dyan. If may kailangan ka, tawagan mo lang ako." sabi ko sabay abot kay mama ng phone.
"Salamat Grandis. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa." saad ni mama.
"Opo, una na ako." sabi ko at naglakad na ako paalis.
Paalis na ko nang may bumusina sa harap ko, kotse pa lang ay alam ko na kung sino ang nasa loob. Ang mayabang na lalake, si Liam.
"Bakit ka nandito?" tanong niya.
"May hinatid lang ako." malamig kong sabi.
"Okay." he smirked. Mukhang mang-aasar na naman.
Umandar na ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung para saan ang ngising iyon, pero may kutob akong masama iyon.
Masama pa rin ang loob ko dahil hindi ako hinintay nila Jaz pero hindi ko dapat damdamin iyon. Maaaring may dahilan kung bakit nagkaganoon.
Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na ko sa school. Naglakad ako patungo sa classroom.
Nadatnan ko na kaunti pa lang ang naroon, wala pa sila Jaz and Jedrick. Umupo ako sa upuan na katabi ni Cong pero biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kahapon.
Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang bag ko. Lumipat sa upuan ni Jaz. Ayokong pag initan na naman ako ni Liam.
Pagkatapos noon ay dumating na rin sila Jaz at Jedrick. Tumingin ako kay Jaz at nagulat ako ng umirap siya sa'kin. Umupo siya sa tabi ni Liam at si Liam naman ay nakatingin lang at parang may alam sa nangyayari. Umupo na rin si Jedrick sa tabi ko.
"Jaz." tawag ko pero hindi niya ako pinansin.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Jedrick.
"Nagtatampo, hindi mo raw kasi kami hinintay." sagot ni Jedrick na pinagkataka ko naman.
"Huh? Ang sabi ni Liam ay nauna na kayo."
"Maybe you got played by Liam. Suyuin mo muna si Jaz."
"Pero paano?"
"Kaya mo na yan." ani Jedrick sabay tapik sa balikat ko.
Ilang segundo lang ay dumating na ang aming adviser.
Pagkatapos ng klase ay ganon pa rin ang pakikitungo sa'kin ni Jaz. Ayaw niya pa rin akong kausapin kahit nung breaktime.
"Jaz, sorry." sabi ko.
Tumingin siya sa'kin.
"Bakit kasi hindi mo kami hinintay?" sigaw ni Jaz sa'kin na ikinagulat ko.
"Sinabi kasi ni Liam sa'kin na umalis na kayo bago pa kayo dumating. Sorry kung naging uto-uto ako."
"Okay. I'm sorry din kung nasigawan kita."
"Huwag ka nang magalit, babawi ako. Wait." sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bagpack ko.
"Ilagay mo yung number mo. Itetext kita." nakangiti kong alok.
"Okay." nakangiti niyang sabi at kinuha ang cellphone ko. Nilagay niya ang number niya at binalik sa akin.
"Thanks," sabi ko.
"Welcome. By the way, do you have an account on Facebook?" tanong niya.
"Wala, eh."
"Okay, I'll teach you next time. Bye, see you tomorrow."
"Bye,"
Aalis na sana ako nang may humarang sa'kin na sasakyan. Here we go again!
Bumaba siya ng kaniyang sasakyan."Bati na kayo?" tanong niya.
"Mind your own business, Mr.Cong."
"Jazmine is mine. Ikakasal din kami balang araw kaya sagutin mo ang tanong ko."
"Share mo lang?" binangga ko siya at aalis na sana ako ng hilahin niya ang braso ko.
"Hindi mo talaga sasagutin?" tanong niya at tinignan ako nang mariin.
"Hindi." piniglas ko naman ang kamay niyang nakahawak sa'kin.
"Right. But this is just a reminder, kapag nagkagusto ka sakin, hinding hindi kita gugustuhin pabalik." banta niya pa at sumakay siya sa kaniyang sasakyan.
Umandar na yon samantalang ako ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko kanina. Nababaliw na siya. Ako? Magkakagusto sa kaniya? Ibang klase ka talaga, Liandrei Ambrose!
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...