Pagkauwi ko ay tulala lang ako. Iniisip ang sinabi ni Liam sa'kin, nakakasuka siya. Masyado siyang pilingero, feeling niya magkakagusto ako sa isang katulad niya. Hindi ako magkakagusto sa isang mayabang na lalaki at bad manners. Tsk, asa na lang sya 'no!
Nakauwi na ko sa bahay ilang sandali pa. Ngunit napanganga ako nang bumungad sa'kin si Mama na nag iimpake.
Niyakap ko sya mula sa likod. "Ma, huwag mo kong iwan." hagulgol ko, umiiyak.
"Hays, Grandis, baliw ka talaga. Lilipat tayo ng tirahan. Matutupad na ang pangarap mong makatulog sa malaking kama." nakangiting wika ni Mama.
"H-huh? Saan naman kung ganon?" tanong ko.
"Sa pinagtatrabahuan ko." wika ni mama. Nawala naman ang ngiti sa labi ko.
"No way. Ayokong makasama si Cong 'no." angil ko.
"Hay nako anak, sisesantihin nila ako kapag hindi ko sinunod ang utos nila. Tulungan mo na lang ako sa pageempake at huwag ka ng mag inarte." asik ni Mama. Ngumuso naman ako.
Nakalukot ang mukha ko habang tumutulong sa pag eempake. Ilang sandali pa ay may dumating na maghahatid sa amin sa bahay ng pamilyang Cong.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa paroroonan. Nang pumasok kami sa loob ay mansiyon nga ang lugar na yon, may magagarang upuan at mansiyon talaga ang dating na kagaya sa mga napapanood sa mga pelikula.
"Hi Grandis." nagulat ako ng makita ko si Liam na nakangisi.
Tinignan ko siya nang matalim. I feel like he's planning something again.
"Amo ko iyon, mag hello ka." utos naman ni Mama.
Sumunod ako dahil no choice. "Hello po." pinakitaan ko siya ng napipilitang ngiti.
Tumawa siya pagkatapos kong sabihin yon. Inirapan ko siya. Anong nakakatawa? Nakakatuwa bang asarin ako?
"Hi Grandis. Ang ganda mo nga." nakangiting wika ni Mrs. Cong.
"Magandang araw po. Salamat po." sinuklian ko ang ngiti nya. Mukhang mabait naman pala si Mrs. Cong.
"Hindi ba ay magkaklase kayo ng anak kong si Liam?" tinignan ni Mrs. Cong si Liam.
Sinulyapan ko din siya at nakatingin lang siya sa'kin.
"Opo." sagot ko.
"It's nice to hear that. Liam, ituro mo sa kanya ang kanyang kwarto. Please, baby." utos ng Mrs. Cong kay Liam.
"Stop calling me that, Mom. I'm not a baby anymore." tumingin siya sa'kin. Tumawa naman ako.
"Sus, baby ka pa rin namin ng daddy mo." tumawa ito.
Binitbit ko ang mga gamit na dala namin. Umakyat si Liam sa hagdanan at sumunod ako sa kaniya.
"Bawal ang magnanakaw dito." aniya.
"Ganyan ang tingin niyo sa'min, ano?" natawa ako. Nakakainsulto na talaga.
"Huwag ka nang umasa na tatratuhin kita nang maayos, Gran." wika nito nang hindi nakatingin sa akin.
"Simula pa lang nung una, hindi mo na ko tinatrato nang maayos. So you don't need to warn me about your stupid mindset." sabi ko na parang hindi ako affected sa mga sinasabi niya.
"It's good to know you're conscious of that." he sarcastically said.
Hindi ako umimik.
"And aren't we fair enough?" he seriously looked at me.
"Anong ibig mong sabihin?" kumunot ang noo ko.
"You hate us rich people, right? So, we're fair enough." he coldly said.
"Here's your room." aniya at binuksan niya ang kwarto. May isang king bed roon at may ilaw. Walang gamit at mukhang hindi pa nagagamit.
"Salamat." nilagay ko ang gamit ko sa gilid.
"Don't thank me." aniya at umalis.
Bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya? Anong balak nya sa'kin? Muling sumagi sa isip ko ang sinabi niya kanina. Hindi dapat ako nagkakaganito. Hindi ko siya gusto, never mangyayari iyon.
"Gran, papasok na kayo ni Liam."ani ni Mama Cindy kaya napabalikwas ako ng bangon.
Panibagong araw na naman at literal na nakakapanibago ang araw na ito. Hindi ko inakalang dadating sa puntong magiging ganito ang kalagayan namin. Na makakahiga kami ni Mama sa malambot na kama at komportableng tirahan.
"Oo, Ma." bumaba ako. Nakita ko si Liam na nasa lamesa at nag-aalmusal.
"Kumain ka na riyan, sabay na kayo." ani ni Mama.
"Sige po." umupo ako sa gilid ni Liam at kumain nang tahimik.
Pagkatapos ay naligo ako. First time ko maligo sa sosyaling banyo, at imbis na tuwalya ay bath robe ang suot ko. Pagkalabas ko ay bumungad sa'kin si Liam na nag-aabang.
"Tagal mo, male-late na ko." binangga niya ang balikat ko pagkapasok niya sa banyo. Ang daming banyo sa mansiyon, dito pa talaga naisipan magbanyo. Ganito ba talaga siya ka-papansin?
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...