"Hoy gising na, Grandis!"pagkalakas-lakas na sigaw ni Mama.
"Hm, oo na Ma!"sigaw ko.
"Oh siya, bumangon ka na at alas-syete na! Mamalengke muna ko." Sabi ni Mama at narinig kong tumunog ang aming pinto kaya paniguradong umalis na siya.
'Alas-syete pa lang pala, puwede pa kong matulog' sabi ko sa isip-isip ko.
Matutulog pa sana ako nang narealize ko na 7:10 ang pasok ko. Agad akong bumangon at naligo, kumain na rin ako ng kanin at itlog. Hindi ko na hinintay pa si mama na bumalik pa at umalis na.
Malayo pa ang lalakarin ko kung sa Anthony St. pa ko dadaan kaya dito na lang ako dadaan sa Porculas St. kung saan may shortcut.
Pagpasok ko pa lang sa street na yon ay kitang-kita ko na ang mga malalaking bahay, parang subdivision. Ibang iba sa aming street. Mayayaman ang mga nandito, kadalasan ay rito kami nangangaroling tuwing pasko noong bata pa ko at syempre, malaki ang natatanggap naming pera.
Dere-deretso ako sa paglalakad nang hindi ko namalayang may kotse pala sa likod ko. Isang Mercedes-Benz na kotse ang kotseng iyon at may lalaking nakasakay sa loob. Bumusina iyon kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Hey, magpapakamatay ka ba?" may pagka-sarcastic nyang sigaw sa'kin para marinig ko.
"Bakit naman ako magpapakamatay? May pangarap pa ako 'no. Anong akala mo sa'kin, timang?" sigaw ko din at tumabi para makaandar ang sasakyan niya.
Tumigil ang sasakyan sa gilid ko kaya napatingin ako doon, nakita ko ang nagmamaneho. Binaba niya ang side window ng kotse at nakita ko ang buong mukha at pati ang suot niyang uniform. Mukhang schoolmate kami dahil we have the same uniform, hindi na ko magugulat kung lagi ko siyang makikita sa susunod pang mga araw.
"Hindi mo kilala kung sinong binangga mo." nakaka insulto niyang sabi at pinaandar na niya ang kanyang kotse.
Naniniwala akong tunay ngang masasama ang mga mayayaman. Ngunit wala akong magagawa kung marami akong makakasalamuhang kagaya niya dahil sa mayamang paaralan ako mag aaral. Blessing sa akin ang makapag-aral sa Cong National High School, scholar ako kaya wala na akong babayaran pa kundi mga libro na lang at iba pang gagamitin sa school. At hindi na ko mahihirapan na mag-enroll sa college dahil meron na ring Cong University na katabi lang ng school ko.
Nagpatuloy pa ko sa paglalakad at hindi ko na namalayang nasa gate na pala ako. Late na ko pero ayos lang, kahit nung first hanggang third year high school ako, lagi rin akong late kaya wala nang bago. Fourth year na ko ngayon, mahaba-haba pa ang lalakbayin ko.
Pumasok na ko sa gate at dumeretso na sa hallway. Malaki pala talaga itong school na ito. Wala kang makikitang bahid ng kalat o ano mang amoy, ibang iba sa public school.
Second floor ang room ko, umakyat ako at narating ko na ang room ko. Sumilip ako at hindi muna pumasok dahil nahihiya pa talaga ako.
"Oh hi! She's here. She's the scholar student. You can introduce yourself." maligayang pagpapakilala ng aming guro sa akin.
"Good morning everyone, I'm Grandis Villarosa. I'm from San Augustin High School, it's nice to meet you all."maligayang pagpapakilala ko sa aking sarili.
"Welcome here, Grandis! Umupo ka sa tabi ni Cong, iha."ani ni ma'am. Pero sino si Cong?
Tiningnan ko lahat ng kaklase ko at seryoso ang mga mukha nila. Sino si Cong? Ka-apelyido niya ang may-ari ng skwelahan na ito. Siya ang may-ari nitong school? O baka anak siya ng may-ari?
"Excuse me, Ma'am, pero sino po yung Cong? Wala pa po talaga akong kilala dito." nahihiyang sabi ko.
"What? Hindi niya kilala? Ang tanga naman!" bulung-bulungan ng mga babae sa gilid ko.
"Hanapin mo sa boys, ang pinaka gwapo doon." sabi ni ma'am na nagpaingay naman sa buong klase.
"Ang swerte nung transferee!" dinig kong sabi ng babae.
Hindi ko na sila pinansin at tumingin na ko sa boys. Inisa-isa ko sila, parang wala namang gwapo dito. Pero ilang sandali pa ay may nahagip akong masamang nakatingin sakin, yun ang lalaki kanina. At bakante ang upuan na nasa tabi niya. Siya nga...
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...