"Ano? Nakapagpahinga ka na ba?" tanong ni Liam sa'kin habang tinitingnan ako nang mariin.
"Okay na 'ko. Anyways, tara na ba?" inabot ko ang librong nasa mesa at binuklat iyon. Nararamdam ko naman ang titig niya sa akin habang binabasa ko ang librong hawak ko pero hindi ko na lang pinansin at tinuon ang atensyon sa libro.
"Saan ka ba nahihirapan?" tanong ko. Sinulyapan naman niya ang librong hawak ko.
"Anything na may Math. I literally hate Math." he frowned. Natawa naman ako sa itsura niya. Weakness pala niya ang math.
"Learn how to love Math. Hindi ka lulubayan niyan. Kahit saan ka magpunta." saad ko habang dahan-dahan sa pagbuklat ng bawat pahina.
"I know. And it sucks." hanggang ngayon ay busangot pa rin siya. Nakakatawang itsura.
We ended up studying 3 hours dahil hindi niya talaga ma-pick up ang lesson, kahit ako mismo ay nahihirapan sa lagay niya. Weakness niya yata talaga ang Math.
"Aalis ka?" I asked as I saw him wearing decent clothes. He's wearing a navy blue polo and a black slacks. And his hair is also gelled. That's why he looks neat and tidy.
"Aalis kami. May family dinner daw, with Jaz' family" I scanned his face, mukhang hindi siya masaya. Sino ba namang matutuwa kung expected mo na ang mangyayari at alam mong hindi mo gugustuhin ito.
"Ingat kayo." ngumiti na lang ako, baka sakaling gumaan pa ang loob niya.
Tinignan niya ako at umiwas ng tingin bago lumabas. Hindi na lang din ako nakaimik, siguro mahihirapan din ako kung ako mismo ang nasa posisyon niya. Pero pakiramdam ko naman na makakaya niya ring gustuhin si Jazmine, hindi malabong mangyari. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako mismo, hindi matanggap na posibleng mangyari yon. Oo, kahit ako naw-weirduhan sa sarili.
"Anong nangyari?" pagkauwi nila ay agad kong in-interrogate si Liam na ngayon ay nasa kwarto ko.
"Nothing happened." sagot naman niya. Ngumuso ako.
"Ano nga? May petsa na ba ang kasal niyo?" seryosong tanong ko.
He nodded. Nakabusangot na naman siya.
"Hindi ka ba masaya?" seryosong tanong ko. Hindi ko alam kung bakit naaawa pa ko.
"No."
"Wala na tayong magagawa kung ayun ang gusto ng parents mo. Pero sana matutuhan mong maging masaya na kapiling si Jazmine."
"They're always telling me that I must understand this. I tried. But I really can't." tumingin siya sa'kin na parang humihingi ng tulong.
"Subukan mo pa. Wala namang mawawala." sambit ko.
"Help me."
"Paano? Liam, problema mo at ng pamilya mo yan. Gusto kitang tulungan pero alam ko ang limitasyon ko," sagot ko.
"Please. Just this once." pagmamakaawa pa niya.
"Sige nga, paano?"
"Pretend to be my girlfriend." my jaw dropped.
"Huh? Bakit ako?"
"Ikaw lang ang malalapitan ko." he said in soft, low monotone.
"It won't work. Sa tingin mo maniniwala sila?" pagtanggi ko.
"Bakit hindi?" mariin siyang tumitig sa'kin. Naiilang na 'ko sa mga titig niya.
"Ano tayo? Enemies to lovers? Iba na lang." angal ko at umiwas ng tingin.
Ngumuso siya. Ayan na naman siya.
"At isa pa, lalo akong pag-iinitan ni Jazmine." mahinang sambit ko.
"What do you mean? Pinag-iinitan ka niya?" he said in a irritated voice.
"Ano sa tingin mo? Ayokong magalit pa siya lalo sa'kin."
"I wonder what really happened between Jaz and you."
"Dahil sa'yo."
"What?" he asked while staring at me.
"I chose you." I stared back at him.
Napatingin siya sa akin nang matagal na para bang may inaalala. Napaiwas siya ng tingin nang mag-sink in sa kaniya kung tungkol saan ang sinasabi ko.
"Why did you chose me?"
"I had no choice. Dito ako nakatira, ako mismo ang mag s-suffer kung iiwasan kita. Lalo na't hindi ka naman nakikipag-cooperate." I chuckled.
"You knew." he also chuckled.
"Feel ko rin na kahit gawin ko pa ang kondisyon niya, hindi na mababalik ang dating friendship namin." I sighed.
"Jazmine is always like that. She often acts out her anger and pride." I sighed. Bakit ba kailangan magkaganito ang lahat? Nakaka-dissapoint isipin na ganito si Jaz.
"Let's go back to the topic." biglang saad naman ni Liam.
"Ha? Anong topic?" maang-maangan ko kahit alam kong hindi naman gagana.
"Gran. Please. I'm begging you right now." his soft voice is pulling me.
"Think about the consequences, Liandrei."
"I'm ready to face the consequences, with you."
My jaw dropped as that sentence came out of his mouth.
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...