"Mauna ka ng pumasok, susunod ako."
"Bakit? Ikaw na ang mauna. Ako na lang ang susunod."
"Huwag ka ng masyadong maarte. Bilisan mo na." tinulak ako ni Liam papasok sa kotse.
Binaba ko ang window mirror ng kotse. "Sorry."
"Bilisan mo na."
"Gagawin ko ang lahat, mapatawad niyo lang ako nila Jazmine." ani ko at sinara ang bintana at umandar na ang van.
Pagkadating ko sa room ay gano'n pa rin ang tingin nila sa'kin, kagaya ng kahapon.
"Jaz."nakangiting wika ko. Nakahawak ang dalawa kong kamay sa backpack ko patungo kay Jaz.
"Hey."
"Galit ka pa ba?" tanong ko.
"Nagalit ba 'ko? Kailan?" malamig na pakikitungo nito.
"Hindi ko alam. Pero ang lamig mo kase, hindi ako sanay." ani ko.
"Don't mind me. Mag aral ka na lang." ani Jaz at kumuha ng notebook at nagkunwaring nagbabasa. Nararamdaman ko na galit siya sa'kin, but I know I deserved it.
"Gusto mo bang mamasyal tayo after class?" aya ko.
"Sorry, pero may gagawin pa ko." tanggi niya sa alok ko.
"Ah ganon ba? Sa susunod na lang." wika ko. Hindi na niya ko tinignan.
"Hi, I'm Sofia. Ako nga pala ang kapartner mo sa project sa SciChem. Nice to meet you." pagpapakilala nito sa'kin habang nasa cafeteria ako na kasalukuyang kumakain ng mag isa.
"Hi, I'm Grandis. Nice to meet you too." pagpapakilala ko rin.
Mag isa lang akong kumakain ngayon dahil nga may project kami sa Chem ay may ibang kapartner din si Jazmine at kasalukuyan silang gumagawa kaya hindi siya sumama sa'kin kumain.
"Pwedeng sabay na tayong kumain?" tanong niya.
"Sure."
Ngumiti ito sa'kin at sinimulan ng kumain.
"Let's meet at the library tomorrow after class. May lakad kase ako ngayon so hindi ako pwede ngayon."
"Sure. No problem."
"Thanks. Bye, Grandis." anito at tinalikuran na 'ko paalis.
"New friend?" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko, si Liam lang pala.
"Hindi, kapartner ko siya sa project." tanggi ko.
"New target?"
"Ano na naman bang mga pinagsasasabi mo, Liam?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Kalma. Ang cute mo talaga kapag naaasar." wika niya habang tumatawa.
"Ano?" tanong ko kahit narinig ko naman ang sinabi niya.
"Ano?" panggagaya niya sa tono ng sinabi ko.
"Lakas ng trip mo." mariin na sabi ko at iniwan siya.
Ilang araw na ang lumipas at naglaho na rin ang issue tungkol sa'kin. Medyo nagkaayos na rin kami ni Jaz at si Sofia naman ay madalas kaming sabay kumain. Medyo madami pang daraanan na buwan bago kami makagraduate.
"Sabay kayo ulit ni Sofia pupunta sa Cafeteria?" rinig kong tanong ni Jaz habang nagliligpit ako ng mga gamit.
Pinasok ko sa bag ang mga gamit ko. "Oo, pero pwede ka naman sumama sa amin kung gusto mo." aya ko.
"Thanks, but hindi na. Bukas ba free ka? Or after class? Mamasyal tayo sa park." aya nito.
"Bukas na lang siguro after ng class, Jaz. May practice kami."
"Anong practice?"
"Dance steps para sa program."
"Wow, marunong ka palang sumayaw. Nice!"
"Salamat."
"And kasama mo si Sofia?"
"Oo. Sa totoo nga, siya ang umaya sa'kin sumali roon."
"Hmm.." tumango siya at nagligpit na rin siya ng gamit.
"Bye. I'll chat you about tomorrow later." sinuot niya ang kanyang maliit na bag pack at umalis.
"Teka.. Bakit dala mo ang bag mo?" tanong ko.
"I'll go to the next class. Dun na ko kakain sa classroom. Bye." sagot nito at nagpatuloy sa pag alis.
Ako naman ay lumabas na at nagtungo roon sa cafeteria.
"Sofia!" sigaw ko upang maagaw ang atensyon niya na kumakain.
Tumigil siya sa pag-kain upang magsalita. "Grandis! Sorry hindi na kita nahintay, sobrang gutom na gutom na ko eh. I'm so sorry. Don't worry, babawi ako. Ililibre kita ng lunch next time."
"Huwag na. Wala ka namang ginawang kasalanan."
"Right. Sorry for overacting."
"It's okay. Kain na tayo." wika ko at binuksan ang sandwich na binili ko sa café at siya naman ay nagpatuloy sa pag-kain.
"Good evening." bati sa akin ni Liam. Nasa lamesa kami para kumain ng dinner.
"Good evening." bati ko kahit napilitan lang dahil alam kong may nagawa akong mali.
Bumaba na si Mrs. Cong at Mr. Cong. Pagkatapos ay dinala na ng mga helpers ang mga pagkain.
"Good evening, everyone." bati ni Mrs. Cong para sa lahat.
"Good evening po, Ma'am." magkakasunod na bati ng mga helpers.
"Good evening po!" bati ko.
"Let's pray first. Liam, can you lead the prayer?"
"Why me? Fine." napilitan itong magdasal.
Pagkatapos magdasal ni Liam ay nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa mga katulong maghugas ng mga pinagkainan at pagkatapos ay dumiretso sa kwarto para gumawa ng mga assignments.
"Grandis." tinig ni mama yon kaya binuksan ko ang pintuan.
"Po?"
"Mukhang ayos na kayo ni Sir Liam ah?" panuyong tanong ni mama.
"Hindi naman, Ma. Basta tinuturing ko siyang kaibigan at sa tingin ko naman ganoon din siya sa'kin."
"Hindi mo ba crush yong binata na yon? Gwapo naman."
"Ma! Wala naman akong oras para diyan. At mayaman sila, diba sa mga teleserye bawal ang mahirap sa mayaman."
"Ayan, kanonood mo ng TV,"
"Ma naman eh. Tapos na po ba kayo sa mga trabaho niyo?"
"Oo, maaga kaming pinagpahinga."
"Kung ganoon, magpahinga na po kayo. Matutulog na rin po 'ko."
"Sige, Grandis. Tulog na." aniya at pumunta na sa kwarto.
Isasarado ko na sana ang pinto ng may bumungad sa harapan ko.
"So crush mo ko?" nakangising tanong ni Liam.
"Kakasabi ko lang na hindi, di ba? At bakit ka nakikinig sa usapan ng iba?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka galit? You look so defensive."
"Baka ikaw ang may crush sa akin kaya ka ganyan." pabalik kong sabi.
"Ha? Ako mag kakacrush sa'yo, no way!" iiling-iling na sabi nito at umalis. Padabog ko namang sinarado akong pinto.
"By the way, hindi lahat ng napapanood mo, totoo." he shouted. Kumunot naman ang noo ko. What does it mean?
BINABASA MO ANG
Love Departure (Doctors Series #1)
Teen FictionDoctors Series #1 Grandis Villarosa is an indigent woman whose dream is to become a doctor. Until he met Liandrei Ambrose Cong, the man was rich and did not want an indigent person like her. Has arrogant and unkind behavior. But gradually, Grandis f...